Dumating ang araw ng sabado maagang maaga pa lang nagulat na lang si Kenneth ng paggising niya ay biglang may kumatok sa gate ng bahay nila.
(Knock ! Knock ! Knock ! )
"Sino yan ? Ang aga nambubulabog." Sabi ni Kenneth
Pagbukas nya ng gate ay nagulat na lamang siya na si Mariel ang nakita niya.
"Hi bes ! Nagulat ka ba?"
"Hi anong ginagawa mo dito at paano mo nalaman bahay ko."
"Wala lang yayain sana kitang magbike sa circle kung papayag ka nalaman ko pala bahay mo nung isang araw pagkauwe mo sinundan kita yun nalaman ko hahaha!."
"Grabe ka talaga bes pero ang talagang nagtiyaga kang malaman bahay ko hah, kaso may gagawin pa ako bes eh maghuhugas pa ako ng plato."
"Nako bes ako ng bahala dyan minsan lang naman ako magpunta dito eh, pag nasaamin ka naman ikaw ang naghuhugas kaya ako na bes."
"Oh sige gusto mo yan eh, atsaka di naman madami yan dalawang plato at isang mangkok lang ata yan."
"Oh sige mejo magulo bahay mo bes hah."Birong sabi ni Mariel.
"Hindi kasi ako marunong mag-ayos alam mo naman lalake."
"Oh sige bes ako ng bahala dyan."
Lumipas ang kalahating minuto ay natapos sa paglinis at paghugas ng plato si Mariel sa bahay ni Kenneth, nagpahinga muna sila saglit at umalis din papuntang circle para mag bike at magbonding.
"Bes nagpaalam ka ba kay Charles?" Tanong ni Kenneth
"Hindi kasi di naman ako papayagan nun eh gusto kitang makasama bes eh, para kahit papaano may memories tayo pag umalis ka na dito sa Pilipinas."
"Bahala ka hah pag nagalit sayo yun at pag nagalit sakin naku."
"Isang araw lang naman magagalit yun hindi niya kayang magkaaway kami kaya mahal na mahal ko yun eh."
"Okay, tara na renta na tayo ng single bike."Sabi ni Kenneth
Sinulit nila ang araw na yun na magkasama at puno ng ligaya sa kanilang mga labi. Habang nagbabike sila may naisip si Mariel
"Bes hawakan mo kamay ko."Sabi ni Mariel kay Kenneth
"Bakit baka masemplang tayo hah."Sabi ni Kenneth
"Hindi yan basta hawakan mo lang."
"Okay wala naman masyadong nagbabike eh."
"Bes wag kang pagalaw galaw hah baka masemplang tayo."
"Oo hahawakan lang kita hindi kita iiwan." Sabay tingin ng sabay kanilang mga mata.
Sa hindi inaasan na pangyayari biglang nasemplang ang bike ni Mariel ng may matamaan na malubak na daan at bigla siyang tumumba at nagtawanan nag mga batang nakakita sa kanya. Napangiti na lang si Kenneth at agad agad niyang inalalayan si Mariel.
"Anong nangyari sayo? Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan."
"Ikaw rin kaya kung ano-ano kasi pinagsasabi mo eh diko tuloy napansin yung lubak."Sabi ni Mariel.
"Tara na nga, umupo ka muna dyan bibili akong band aid."Sabi ni Kenneth kay Mariel
"Sige bes mejo masakit yung tama ko sa tuhod."
After 1 minute....
"Akin na at lagyan natin ng band-aid yang tuhod mo." Sabay luhod sa harapan ni Mariel
"Aray bes ! Ang sakit !"
"Sa una lang yan bes masakit pero pag tumagal yan magiging okay na yan."
"Teka bes kanina ka pa ganyan mukhang nagpapahiwatig ka na, oo na aalis ka na pagtapos natin mag-aral."
"Sa una nga bes masakit na mawawala ka pero matatanggap ko din yun na matagal kang mawawala, kaya ngayon bes sinusulit na kita hanga't nandito ka pa."Masayang sinabi ni Mariel kay Kenneth
"Wala naman akong pinaghuhugutan ikaw lang gumagawa ng kulay ahhahaha o sige walang anuman maraming salamat din bes ! "Sabi ni Kenneth
"Tara na pala bes ! Anong oras na pala mag alas dose na pala sabi ko kay mama hanggang alas onse lang ako."
"Hahaha nako bes yari ka na naman kay tita."Pabirong sinabi ni Kenneth.
"Wait bes selfie muna tayo para kahit papaano may mukha ka sa cp ko."
"Wow may mukha eh puro mukha ko nga dyan eh."
"Ganun talaga syempre yung ngayon pumopogi ka kaya dati mejo pogi lang ngayon pumopogi na bestfriend ko nakanaks."Birong sabi ni Mariel.
"Hindi naman eh wala pa nga akong gf ngayon oh yan ba ang pogi."
"Laki na ulo nya oh, alam mo bes wag mong hanapin yang gf na yan kasi once na hanapin mo yan mas lalo yang lalayo sayo antayin mo lang bes mararamdaman mo naman yan eh."
"Siguro nga pero naramdaman ko na dati ito eh kaso iba talaga yung gusto nya, gusto ko syang ligawan nun pero hindi eh kahit anong gawin kong pagpapansin sa kanya may iba pa rin syang mahal."
"Sino ba yan bes yan ba yung dati mong kinwento sa akin? Bes kwento mo naman sa akin yun at ipakilala."Sabi ni Mariel
"Wag na bes pang sa akin na lang yun, tara na alis na tayo dahan dahan ka lang hah may sugat ka pa."Sabi ni Kenneth.
BINABASA MO ANG
Si Bes.
Teen FictionSabi nila ang pagkakaroon daw ng bestfriend ay isa sa mga napakasaya sa ating buhay dahil hindi lamang ang pamilya ang nagmamahal sa atin kundi nandiyan din sila, na para na rin nating mga kapatid, kapag may problema tayo lagi silang nandiyan para g...