-Nanay MATHILDE'S POV-
"Bilisan niyo na. Malelate na kayo sa paaralan. Ito ang baon niyo. Mag-ingat kayo papunta do'n."- sabi ko sabay bigay sa mga baong pagkain nila.
"Salamat po, nanay Mathilde."- isa-isa nilang akong hinagkan sa pisngi.
"Sige, umuwi kayo ng maaga. Huwag magpapagabi."- hinatid ko sila palabas ng bahay.
"Opo!"- sagot nilang apat. Umalis na rin sila at naglalakad lang sila papuntang paaralan. Umakyat naman ako sa kwarto ko dahil may kailangan akong kunin.
Mukhang kailangan ko na kasi silang ihanda sa tadhana nila. Malalaman at malalaman ito ng kamahalan. Hindi mauuwi sa wala ang mga babaeng nag sakripisyo noon. Binuksan ko na ang baul na pinaglalagyan ko ng mahahalagang libro. Kinuha ko ang isa at agad bumaba sa salas. Inilagay sa mesa ang libro at binigkas ang pangalan nito.
"MAHIKANG LIBRO."- bigkas ko.
Nag lalabasan ang mga nakasulat sa libro. Kasaysayan ng mahika. Pano macontrol ang mahika at kung anu-ano pang mahahalagang bagay tungkol sa paggamit ng mahika.
Panahon na para turuan sila ng mahika dahil naglalabasan na ang kanilang makapangyarihang taglay.
• • • • •
-ARIA'S POV-
"Aria, alam mo ba? Mas lumaki na yong itinanim ko."- sabi ni Eve. Nasa loob na kami ng silid aralan at kaming apat ay mag kaklase. Katabi ko si Eve samantalang si Fear at Bea ang mag katabi sa ibang upuan.
"Talaga?"- yon lang ang nasabi ko. Malapit na ring mag mananghalian.
"Hindi ka ba naniniwala sakin?"
"Kung sasabihin ko sayo na totoo yong parang lumutang ako sa hangin no'ng pagka hulog ko maniniwala ka ba?"- sabi ko habang nakatitig sa kanya.
"Hmm.. Hindi."- sagot niya.
"Edi hindi rin ako naniniwala sayo."- 'tapos tumingin na ako sa harap para makinig sa guro. Discuss ng discuss si teacher. Nakapag pananghalian na rin kami. Nag klase ulit hanggang sa mag siuwian na.
"Yipiee! Uwian na! "- masayang sambit ni Bea habang inaayos pa niya ang kanyang bag.
"Oh tara na, sabi ni nanay dapat maaga tayo umuwi."- paalala ko sa kanila. Nginitian lang nila ako. Lumabas na kami sa classroom at pagkalabas namin sa gate ay may nakaharang saming higher students.
Mga pito sila, puro pa lalaki.
"Hey, Fear, your cool as I always see you. Sumama ka na samin and be my date."- sabi ng lalaki na may pag kindat pa.
Eww!
May gusto kasi yan kay Fear. Labing dalawang taong gulang na siya at mayaman ang pamilya nila. Sila ang siga sa paaralan namin.
"Stay away from me, Jacob. I dont like you. -__-" - badtrip na sagot ni Fear kaya tinalikuran na niya ang mga ito.
"Aria, come with me. Lets hang out."- sabi naman ng kaibigan ni Jacob na si Mathew.
"Ayoko, gusto ko ng umuwi at pwede ba tigilan mo na ako? Nakakairita ang pagmumukha mo."- sabi ko sabay erap sa kanya.
Oo nga't mga gwapo sila pero wala pa kaming panahon para makipag date. Duh? Ang bata pa namin noh at hindi ko siya type!
"Girls, huwag na kayong mag enarte. Alam naman namin na gusto niyo talagang sumama samin kaso nahihiya lang kayo."- sabi ng mayabang na si Mark.
"Ang kapal rin ng face mo noh?"- sagot naman ni Eve sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}
FantasyHere is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? *** © All rights reserved 2017 Date: Feb 5. to March 29. {Done} *** PAALALA: Hindi po ito mala...