-ARIA'S POV-
Dumating na ang araw ng magic festival ng buong kaharian.
Ang lahat ng tao ay nagkakasayahan at ang mga tao sa bayan ay may handog na regalo para sa pamilya ko. Si Alice ang tumatanggap sa kanilang mga handog.
Nasasayahan naman si Alice sa kanyang ginagawa. Pumipila ang mga taong nag bibigay regalo sa kanya pagkatapos pupunta na sila sa dining hall ng palasyo para don kumain.
Andaming naming ipinahanda at nandito rin ang pamilya ng mga kapatid ko. Nagsasayawan sila at ang mga bisita. 'Yong tatlong pamangkin ko naman ay tinutulungan si Alice sa kanyang ginagawa.
"Hon, halika ka. Kausapin muna natin ang mga bisita."- wika ni Blake kaya nilapitan na namin ang mga bisita.
Yon lang ang ginawa namin. Kamustahan. Chikahan at tawanan. Pero lagi ko pa ring iniisip yong nangyari kahapon. Hindi kasi mawala sa aking isip.
Napasulyap ako kay Alice. May nag bigay sa kanya ng handog. Medyo nakaramdam ako ng kaba sa mga oras na yun. Isang babaeng may belo na puti ang nagbigay. Hindi ko masyado kita ang mukha nito kasi medyo malayo mula sakin.
Isang box ang kanyang regalo. Pagkatanggap ni Alice nito ay may sinasabi ang babae sa kanya. Parang pabulong lang 'tapos nginitian niya ang anak ko at agad ng umalis. Sinundan ko na lang ng tingin ang kakaibang babaeng 'yon papalabas ng kastilyo.
Lumapit na ang kasunod na magbibigay handog kay Alice pero nanatili pa ring hawak ni Alice ang box na binigay kanina. Hindi umiimik ang anak ko at parang hindi gumagalaw.
"Mahal na prinsesa?"- pukaw ng lalaking magbibigay na sana ng handog sa kanya. Wala pa rin itong imik. Napansin ni Betty na wala yatang balak tanggapin ni Alice ang handog kaya siya na lang mismo ang kumuha. Lumapit naman ako sa kanila at kinausap ang anak ko.
"Alice anak. Are you okay?"- tanong ko sa kanya.
"Naku, tita. Hindi ko alam kung bakit hindi pa gumagalaw si Alice para na ngang isang estatwa."- sabi ni Betty. Umupo ako ng bahagya at tiningnan si Alice. Ang mga mata niya.. nakatulala sa kawalan.
"Alice? Alice anak?"- kinaway kaway ko ang aking kamay sa mismong mga mata niya pero hindi niya talaga ako tinignan. Ni hindi nga kumukurap.
"Alice!" - hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. Don na siya napakurap-kurap at nagtatakang nakatingin sakin.
"Mommy? Why are you here? May pumipila oh."- aniya.
Huh? Ano bang nangyari sa kanya? Mukhang wala nga siya sa sarili kanina.
"Sweetheart. Ayos ka lang ba ha? Para kang tulala dyan?"- pag-alala ko sa kanya.
"Im okay, mom. Don't worry hindi naman ako natulala ah."- sabi pa niya. Para ngang ayos lang siya pero nagtataka pa rin talaga ako.
Ang wierd lang. Hindi pa rin ako mapanatag. Tumayo na ako at hindi maalis ang tingin ko sa kanya.
"Hoy Alice, kanina ka pa nga tulala dyan eh. Ano bang nangyari sayo ha?"- tanong ni Betty.
"Hindi nga ako natulala ang tigas ng ulo mo! Lumayo ka nga sakin!"- biglang namang tinulak ni Alice si Betty.
Oh my! O.O
Lahat ng tao na pumipila ay nagulat sa kanyang ginawa.
"Aray! Ano bang problema mo Alice? Bakit mo 'ko tinulak!"- natumba si Betty kaya agad naman siyang nilapitan nila Sylan at Ford. Hinawakan ko rin si Alice at pinagalitan siya.
"Alice! Bakit mo 'yon ginawa sa kanya? Masama ang ginawa mo!"
"Eh kasi ang kulit niya! Dapat lang yan sa kanya!"- bigla niya akong tinalikuran at naglakad paalis.
BINABASA MO ANG
The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}
FantasyHere is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? *** © All rights reserved 2017 Date: Feb 5. to March 29. {Done} *** PAALALA: Hindi po ito mala...