-BLAKE'S POV-
Nagising ako kinaumagahan.
May naririnig akong mga huni ng ibon at dahan-dahan kong ginagalaw ang aking katawan. Buti na lang hindi na gaano kasakit ang mga tinamo kung sugat.Dahan-dahan kong tinutulak ang mga malalaking tipak ng semento at agad na akong tumayo. Paika-ika akong naglakad dahil napilayan ang isang paa ko. Nakita ko rin sa mga basag na salamin ang mukha ko na maraming sugat.
Lumabas na ako sa palasyo at nakita ko ang lahat ng tao na nagkalat sa buong paligid ng kaharian. Lalo na ang kapamilya ko na wala ng mga buhay..
Ama.
Kapatid.
Kaibigan.
At kaanak.
Lahat sila ay pinatay ng sakim na reyna. Kung sana naitapon rin ang reyna sa black hole dati, lalo na si Demon dahil sigurado ako na siya ang pasimuno nito-- hindi na sana ito nangyari.
Naiiyak ako habang isa-isa kong binuhat ang mga katawan ng mga mahal ko sa buhay patungo sa harden. Do'n ko nilagay ang mga katawan nila at inilibing.
Kahit nahihirapan ako ay baliwala lang sakin basta maayos kong mailibing ang mga katawan nila. Naaawa ako habang hinuhukay ko ang lupa. Pati bata ay pinatay rin niya.
Si Betty.
Sylan.
Ford.
At si Alice.
Kahit hindi ito ang totoong katawan ni Alice ay inilibing ko pa rin siya ng maayos. Huli ko namang inilibing ang asawa kong si Aria.
Mas napaluha ako ng nilagay ko na ang katawan niya sa ilalim ng lupa at tinabunan na ito ng lupa.
Lahat ng mga mahal ko sa buhay ay nailibing na ng maayos kahit papano. Yong mga bulaklak ng harden ang nagsisilbing alay ko sa kanila. Dinasalan ko ang libingan nila at nagpaalam na ako ng maayos sa kanila.
"Sana mahal ko, kung nasan ka man ngayon ay masaya kayong magkasama ni Alice. Malulungkot akong mag-isa dito at alam kong gusto mong ipagpatuloy ko ang buhay ko kaya sisiguraduhin kong mabubuhay pa ako ng matagal at darating din ang araw na magsasama na tayong pamilya. Mahal na mahal ko kayo. Paalam mahal ko."- sabi ko sa puntod ng asawa ko.
Lumipas ang isang taon ay nakayanan ko ang mabuhay ng mag-isa. Oo, malungkot ang mag-isa ka lang pero kinakaya ko para bantayan ang libingan ng pamilya ko.
Dito lang ako sa sirang kaharian namin nakatira. Kumukuha ako ng pagkain gamit ang pangangaso sa kagubatan.
Humaba ang buhok ko at hindi nawala ang mga sugat na natamo ko sa pakikipaglaban noon.
Ngayon ay nasa kabilang baryo ako. Nagtatago ako sa tuwing may mga halimaw na napapadaan at nagbabantay. Nandito ako para kumuha ng mga pagkain.
"Blake.."- napalingon ako sa likod dahil may tumawag saking pangalan. Isang lalaki na parang ka edad lang ng ama ko.
"Sino ka?"- tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}
FantasyHere is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? *** © All rights reserved 2017 Date: Feb 5. to March 29. {Done} *** PAALALA: Hindi po ito mala...