-BLAKE'S POV-
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Lungkot.
Galit..
Paghihinagpis..
At kasawian..
Gusto ko ng bumigay. Parang nawalan ako ng lakas matapos mawala sakin ang dalawang babae sa buhay ko. Binalutan ko na rin ng puting tela si Alice at itinabi ito kay Aria.
Ngayon ay dalawa na ang paglalamayan ko at sabay pa silang nawala sa buhay ko. Lahat ng tao ay nakikiramay sa pagkawala ng aking mag-ina.
"Aria, Alice.. m-mahal na mahal ko kayo."- nalulungkot kong ani. Pinipilit kong patatagin ang sarili ko ngunit bigla pa rin ako bibigay at maiiyak.
Mamayang umaga ay ililibing na namin sila at nalulungkot na talaga ako na hindi ko na sila masisilayan pa. Hindi ko na makikitang tumawa at sumaya ang pamilya ko dahil wala na sila.
Wala na.
"Anak, patawad sa nangyari sa mag-ina mo"- nalulungkot na ani ama pagkalapit sakin.
"Condolence, brother."- pakikiramay naman ni kuya Black. Kararating lang niya matapos balitaan ni ama ang nangyari kina Aria. Tumango lang ako bilang tugon.
Kaso biglang yumayanig ang palasyo kaya lahat kami'y naalarma.
"Anong nangyayari? Lumilindol!"- tinig ni Bea.
"Waaahhhh!! Mommy! Ang lakas ng lindol!" - tili ni Betty at agad nagyakapan ang mag-ina sabay nilapitan rin sila ni Drew.
"Gumuguho na ang kastilyo! Kailangan nating lumikas!"- wika ni ama. Nagmadali na silang lumabas ng palasyo pero nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko. Ayaw kong iwan ang mag-ina ko.
Lalo na hindi ko pa sila nabibigyan ng disenteng libing."Blake! Halika na! Nasisira na ang palasyo!"- pilit naman akong hinahatak ng kapatid ko.
"Hindi ako aalis dito, kuya. Please.. gusto ko pang makasama ang pamilya ko."- pagmamakaawa ko sa kanya.
"Hindi pwedeng hindi tayo umalis! Kundi pati tayo ay matatabunan ng pag guho ng kastilyo! Sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka samin!"- mas hinatak niya ako ng malakas kaya tuluyan na akong nahila.
Habang hila-hila niya ako ay napatingin na lang ako sa mag ina ko na unti-unting natatabunan ng mga gumuhong kisame. Nalulungkot ako habang nakikita silang nakahiga at iniiwan.
Ang sakit! Sobra!
Pagkalabas namin ng palasyo ay nakita namin ang katawan ni Alice na lumulutang sa ere -- ang pekeng Alice.
Siya pala ang gumagawa na masira ang palasyo namin!
Sa galit na nasa puso ko ay agad kong siyang pinatamaan ng Thunder Lightning mula sa kalangitan.
Kahit na katawan pa ni Alice ang ginagamit niya ay hindi parin ako magadadalawang isip na patayin siya! Dahil wala na talaga si Alice! Wala na ang anak ko! Arrghh!
"Isa kang sakim! Katulad ng asawa mong maitim ang budhi!"- Sigaw ni Fear sa dating reyna.
"YAAAAHHHH..!!!"- Sabay-sabay na kaming umatake sa kanya.
Halo-halong mahika ang ipinatama namin diretso sa kanya.
Kidlat..
Apoy..
Tubig..
Lupa..
Metal..
Anino..
BINABASA MO ANG
The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}
FantasyHere is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? *** © All rights reserved 2017 Date: Feb 5. to March 29. {Done} *** PAALALA: Hindi po ito mala...