CHAPTER 26 {Meet the Gods}

15.9K 792 10
                                    

-ARIA'S POV-

Hala naku po! Nahuli kami ni headmaster!!! >__<

"Ah.. Hello po headmaster. Ano po. Ano.."- hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. My Gas!

"Hi dad."- bati ni Blake na parang ok lang sa kanya na nahuli kami?

"Mag usap tayo. Dito sa opisina ko."- sabi ni HM.

Oh my God..!!! Mukhang mapapagalitan talaga kami. Ihahanda ko na ang sarili kong tumakbo.

Nanginginig akong lumakad palabas sa secret room ni HM. Nakatayo lang kaming dalawa at hinihintay ang sasabihin ng ama ni Blake.

"Naliwanagan ka na ba Aria?" tanong bigla ni HM.

Huh?

"Ano po?" -tanong ko.

"Tungkol sa magiging kahihinatnan ng taong magtataglay ng Legendary Magic." -aniya.

"Ah.. hindi po.. kasi hindi naman ang Legendary Magic ang nakita namin. Yong ano po. Yong tungkol po sa inyo ni Sofia."- nahihiyang sabi ko.

Totoo naman di ba? Hindi naman yon tungkol sa legendary magic kundi ang pag aalay sa puno ng buhay alang-alang sa nakakarami. Yon ang pagkakaintindi ko.

"Hmm.. mukhang hindi mo nakita lahat kaya ako na ang magsasabi sayo."

"Teka po. Hindi po ba kayo galit samin? Pumuslit po kami sa opisina niyo. Patawad po talaga. Hindi na po mauulit.."- paghihingi ko ng paumanhin. Yumuko pa ako para malaman niya na seryoso ako sa sinabi ko.

"Naku, iha. Hindi ako galit sayo. Sa anak ko lang. Lagi siyang pumupuslit dito sa opisina ko siguradong nadamay ka lang." -sinulyapan niya ang kanyang anak na nasa gilid ko.

Hindi siya galit? Thank you Lord!

Hehehe.. Lagot ka sa ama mo Blake. Bwahaha..!! (evil laugh)

"Maraming salamat po dahil hindi kayo galit sakin."- sabi ko na nakangiti.

Ramdam ko naman na nagmamaktol si Blake. Narinig ko pang bulong niya.

"Ikukulong na naman niya ako sa timer. tsk!" -__-" -yan ang sabi niya.

Ano kaya yong timer?

Orasan malamang. Ano ka ba Aria? Sinagot ko rin ang sarili ko noh? ^.^

"Dahil isa sa inyong apat--na itinuring mo ng mga kapatid ay magtataglay ng sinaunang mahika.. sasabihin ko na rin sa iyo ang tungkol sa nakaraan na hindi mo alam. Gusto mo ba malaman?"- tanong ni HM.

"Siyempre po!"- sagot ko agad.

"Mabuti.. no'ng matagal na panahon. Sabi ng mga ninuno namin ay isang myth lamang ang legendary magic kasi hindi pa ito napapatunayan. Walang kasiguraduhan kong totoo ito o hindi." -panimula ng kwento ni HM.

Tahimik lang akong nakikinig lalo na 'tong katabi ko.

"Pero napatunayan ko ito dahil kay prinsesa Sofia siya ang kauna-unahang nagtataglay ng sinaunang mahika. Akala ko dati ang mahika niya lang ay ang araw pero halos lahat ng mahika ay nagamit niya. No'ng nagamit niya ang mga ito ay sobra siyang nanghina. Hindi niya ito na kontrol at nakatulog siya ng isang taon dahil sa paggamit niya ng ibat-ibang mahika ng sabay. Hindi nakayanan ng katawan niya kaya yon ang nangyari sa kanya."

Nakakatakot na nga ang magsakripisyo ng buhay pati ba naman ang legendary magic?

At saka nakakaawa si prinsesa Sofia ah. Grabe ang sakripisyo niya. Gusto ko na lang maging ordinaryong tao mas normal pa ang buhay.

The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon