-Third Person's POV-
"Deather, ikaw na ang bahala sa kanya ha? Huwag mong hahayaang makakatakas siya sa'yo." - paalala ng isang babae sa kanyang anak na lalaki.
"Opo ma, hindi po siya makakatakas sa mahika ko." -anito.
"Nasa'n ako? Ba't ang dilim dito?"- tanong ni Alice na nakakulong sa loob ng salamin. Wala siyang nakikita dahil tinabunan ito ng itim na tela. Tiningnan lang ng mag-ina ang salamin sa may gilid na pinaglagyan niya.
Dumating si Demon at lumapit sa kanyang mag-ina.
"Sa'n mo nilagay si Alice, Deather?"- tanong ni Demon sa kanyang anak.
"Nandyan siya, ama."- tinuro nito ang salamin.
"Mabuti."-aniya rito.
"Hello? Tao po! Bakit an dilim dito? Mommy! Daddy! I-Im scared!"- humihikbing hinging tulong ni Alice.
Hindi niya alam kung nasan siya.
Hindi niya alam kung pano siya nakarating don.
At hindi niya alam kung papano siya makakalabas sa kadiliman na 'yon."Puntahan mo muna ang lola mo, Deather at ikaw naman Tracy."- baling ni Demom sa kanyang kabiyak. "Puntahan mo ang magical kingdom. Mag padala ka ng mga higante at mga bubuyog."
"Sige.. eh ikaw? Anong gagawin mo?"- tanong naman nito sa kanya.
"May kukunin ako sa kwarto at gagawin ko na ang ritual."- tugon niya rito.
Sumunod na nga ang kanyang mag-ina sa utos niya. Pumunta na siya sa kanyang silid at kinuha ang mga kakailanganin para sa ritwal ng pagpapalit ng kaluluwa sa dalawang katawan.
"Hindi man kita nakuha, Aria. Sisiguraduhin ko naman na magdudusa ang pamilya mo."- aniya at nag handa na siya para sa ritwal.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
-BETTY'S POV-
"Kailangan nating iligtas si Alice, guys. Kailangan natin siyang mahanap kung sa'n man siya dinala ng kalaban."- sabi ko kina Sylan at Ford. Nandito kami ngayon sa likod ng palasyo. May tambayan kasi dito para siyang isang park.
"Papa'no naman natin mahahanap si Alice? Eh wala naman tayong mahika para makatulong sa paghahanap sa kanya."- ani Sylan.
"May plano naman ako eh. Gagana naman siguro 'to kahit papano."- sabi ko.
"Yan bang pinaplano mo ay kailangan nating umalis ng hindi nag papaalam sa mga magulang natin?"- tanong naman ni Ford na nakataas ang isang kilay habang pinakititigan akong mabuti.
"Hmm... Oo, pero hindi naman nila malalaman na umalis tayo eh."
"And how will you do that, Betty?"- Sylan.
"Gamit ang mahika mo syempre."-sagot ko.
"What? Me?"- gulat niyang tanong.
"Oo, ikaw nga Sylan. Gumuhit ka ng mga kamukha natin pero huwag mo masyadong perpektuhin ha baka lokohin nila ang mga magulang natin."- desidido kong pahayag.
"No way! Ako pa ang mapapagalitan niyan eh." -angal naman niya.
"Pa'no ka mapapagalitan eh hindi nga nila malalaman? Duh! Baguhin mo lang ang mga nakatagong parte ng katawan nila. Yon lang. Hindi naman nila yon mahahalata at saka wala naman silang mga mahika. Sabihin mo lang na huwag silang magsasalita sa ginawa natin dahil kapag ginawa nila yon ay ipapakain ko sila sa mga alaga ko."-pananakot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}
FantasyHere is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? *** © All rights reserved 2017 Date: Feb 5. to March 29. {Done} *** PAALALA: Hindi po ito mala...