CHAPTER 17 {What!}

17.6K 726 5
                                    

-BLAKE'S POV-

Bumukas ang pinto ng dorm room namin at pumasok si Steve. Talagang nagulat ako pagkakita sa kanya.

"Pffft.. Hahahaha.! What the hell happen to you Steve? Mukha kang ginahasa."- natatawang tanong ko. XD

Wala siyang ibang damit kundi yong pang loob niya lang 'tapos ang dumi-dumi niya. May mga dahon pa sa buhok niya at wala pa sa ayos. Nakakunot pa ang noo na halatang badtrip.

"Argh! Nakakainis! Imbis na yong bagong estudyante ang pagtawanan ng mga tao naging ako pa! Lumutang ako sa ere kanina 'tapos nilipad ako ng hangin papunta sa harden. Nabangga pa ako sa puno at bumagsak sa damuhan kaya ganito ang itsura ko."- paliwanag niya. Naglakad siya papunta sa fridge at kumuha ng inumin.

"Oh Steve? What the Pak! Hahaha.. Anong nangyari sayo? XD"- tawa naman ni Drew na kakagaling sa banyo.

"Napagtripan ako. Masaya ka na?"- badtrip niyang sagot.

"Eh papano naman nangyari yon? At sino ang gumawa sayo niyan?" - tanong ko.

"Hindi ko alam. Basta bigla na lang din akong nakontrol, dude nakakahiya talaga! Naghubad ba naman ako sa maraming tao!" -sinipa pa niya ang upuan.

"Parang pinagkakaisahan talaga tayo. Kahapon, kakaiba din ang nangyari sakin. Kung alam mo lang Steve mas nakakahiya yong sakin. Hanggang ngayon pinagtatawanan pa rin nila ako."-sabi ko.

Badtrip talaga ako kahapon.
Nakita ang pwetan ko. Nakakainis! Buti na lang at tinulungan agad ako ni Ice.

Ang pinagtataka ko lang. Hindi namin alam kung sino ang gumawa non sakin.

"Kapag talaga nahanap ko ang gumawa sakin nito. Ikukulong ko siya sa anino ko at habang buhay na siyang titira sa kadiliman." -sabi ni Steve.

"Sige gawin mo yan ng matuto siya ng leksyon."- segunda ni Drew.

Kung hindi niyo pa alam ang mga mahika namin. Sasabihin ko na sa inyo.

Mine is lightning, nangunguryente ako.

Steve is shadow magic. He can use his shadow to go to other places by using another shadows.

And Drew is Puppeter. Nakokontrol niya ang tao sa gusto niya gamit ang strings na nasa kamay niya na hindi masyado kita. Parang isang manipis pa sa sinulid. Kagaya ng pag kontrol niya sa isa sa mga babaeng bagong dating kahapon.

"Baka ikaw na ang isusunod na pagtripan Drew. Mag-ingat ka."- babala ko sa kanya.

"Naku, kung sa inyo may nangyari hindi ko naman hahayaan na may mangyari din sakin. So tuloy ba ang Welcome Bullying natin sa mga bagong dating? Yong apat na babae?"- tinig ni Drew na tumabi saking umupo.

"Syempre, Oo. Papalapit na ang School Festival at don natin sila ipapahiya. Dalawa na ang nabiktima natin at dalawa na rin ang isusunod natin."

"Ang mga knights pa rin ba ang mag aasikaso ng School Festival?"- Steve.

"Siguro. Sabi ni kuya ang mga senior knights daw ang mag aasikaso non." -sagot ko.

Ang mga knights ay nabubuo sa apat na grupo. Tatlo bawat yrs.

At kaming tatlo sa First yr.

Bumukas na naman ang pintuan namin kaya napatigil kami sa usap-usapan.

"Grabe talaga kayo. Itigil niyo na ang ginagawa niyo sa kanila."- sabi niya.

"Huwag kang makialam, Floyd. Kanina balak mo pang tulungan si Aria, at saka bakla ka ba? Sumasama ka kasi sa kanila." -sabi ni Steve na nanghahamok na naman ng away kay Floyd.

The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon