-ARIA'S POV-
Hinihintay ko kung ano ang resulta ng pagsuri ng manggamot sakin.
"Aria.. Ang baby mo ay ligtas. Mabuti na lang dahil naagapan ko pa, pero ngayon mas lalo ka ng mag-iingat dahil masilan na ang pag bubuntis mo. Kapag nangyari ulit ito ay hindi na natin maililigtas ang bata. "
Dahil sa sinabi niya ay napaiyak ako ng sobra. Ligtas ang baby ko.
Huhuhu.. baby ko buti naligtas ka. T_T
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nawala si baby. Hindi ko kakayanin.
"Maraming salamat po. Maraming salamat talaga.."- ngiting pasalamat ko sa kanya.
"Sige, alis na ako basta lagi mong tandaan na lagi ka ng mag-iingat. At mag bihis ka ng puting damit para mas kompartable ang pag bubuntis mo."- payo niya sakin.
"Opo, susundin ko po ang sinabi niyo. Salamat."- muli kong sagot. Tumayo na siya pagkatapos.
"Maraming salamat talaga Mr. Hans."- buong pasasalamat rin ni Blake na nakakahinga na ng maluwag. Tumango lang ang manggagamot sa kanya.
Umalis na ang healer kasama ang amang hari habang kami ay nandito pa rin dalawa sa silid.
Naging maingat naman ako sa pagbubuntis ko kaya isa lang ang ibig sabihin nito kung bakit ito nangyari sakin. Hindi ko kasi agad inisip na gugustuhin niya yong mangyari..
Ang mawalan na lang ng kapatid.
"Hon, suotin mo na 'tong damit at bibili tayo sa syudad ng mga bago mong mga damit para maging komportable ka sa pag bubuntis mo."- binigyan ako ni Blake ng isang white long dress na maganda.
"Salamat, hon."- kinuha ko na ang damit at agad akong nag bihis. Pupuntahan ko si Alice pagkatapos ko rito.
"Hon, sa'n ka pupunta? Mag pahinga ka muna dahil mamaya pa tayo aalis papuntang bayan."- tanong ni Blake at nilapitan ako.
"Pupuntahan ko lang si Alice, hon. Babalik ako agad dito. Huwag ka mag-alala, mag-iingat ako."- sagot ko.
"Oh sige pero alam mo naman na galit pa ang anak natin baka mapano ka. Hihintayin na lang kita sa living room. Ok?" -he hold my face and then he smiled.
"Yes."- magkasabay kaming lumabas ng silid at lumapit na ako sa kwarto ni Alice.
"Alice? Open the door. May sasabihin ako sayo."- sabi ko mula sa labas ng kanyang pintuan.
"What is it mom?"- mahinang tanong niya.
"Open the door first bago tayo mag-usap ng maayos." -pilit ko.
Narinig kong binuksan na niya ang pintuan at nakita ko sa kanyang mga mata ang galit at lungkot. Namamaga ang kanyang mga mata na halatang galing lang sa pag iyak.
"Can I come in to your room?"- tanong ko pa rin ng mahinahon.
"Okay."- pumasok na ako sa kanyang kwarto at agad ko na siyang kinausap. Bahagya pa akong lumuhod para makausap ko siya ng masinsinan.
"Alice.. Gusto kong sabihin sa'yo na kani-kanilang ay muntik ng mawala ang kapatid mo?" - nagulat siya sa sinabi ko.
"W-what?"- aniya.
"Totoo anak. Muntikan ng mawala ang kapatid mo sa sinapupunan ko at gusto ko lang din sabihin sa'yo na.. be careful of what you wish for. Ninanais mo ba talagang wala ka na lang sanang kapatid? Gusto mo bang masaktan kaming dalawa ng daddy mo dahil tuluyan ng nawala satin si baby? Gugustuhin mo bang habang buhay akong malulungkot dahil sa pagkawala ni baby sa tummy ni mommy? Gusto mo ba iyon anak?" -Nakita ko sa kanyang mga mata ang namumuong mga luha.
BINABASA MO ANG
The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}
FantasyHere is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? *** © All rights reserved 2017 Date: Feb 5. to March 29. {Done} *** PAALALA: Hindi po ito mala...