CHAPTER 28 (King's Castle)

12.7K 568 9
                                    

-FEAR'S POV-

Nandito kami ngayon sa isang kulungan. Malaki at medyo madilim. Tinulungan kami ni ate Tracy-- isang higher student. Ginamit niya ang teleportation magic para makarating kami dito kaya agad naming nahanap si nanay. Andami pa lang nakakulong dito.

"Nay, ayos ka lang ba?"- tanong ko. Sinusubukan naming kalagan si nanay Mathilde pero ang kapal ng kadena na nasa kamay at paa niya.

"Bakit kayo andito? Umalis na kayo! Baka mahuli kayo ng mga guwardiya!"- natatakot na sabi niya samin.

"Hindi kami aalis nay kapag hindi ka namin kasama."- sabi ni Eve.

"Tulungan niyo rin kami."- pakiusap ng isa sa mga nakakulong.

"Tulungan niyo kami. Sige na..." - nag-iingay na ang mga preso na kasama ni nanay dito.

"Shhh.. tumahimik kayo. Baka mahuli nila kami."- mahinang bulong ko.

"Ate Tracy, kaya mo bang eteleport sila?"

"Hindi ko kaya, Eve. Nakagapos sila kaya hindi ko sila madadala sa paaralan."- sagot ni ate Tracy.

Sinusubukan ko pa ring tanggalin ang kadena ni nanay. Hindi ko talaga magawa.

Pa'no ba 'to?

.

Isip..

.
.

Isip...

.
.
.

*Ting! (Light bulb)

.

Tutunawin ko ang kadena!

"MAY NAKAPASOK SA KULUNGAN!"- napatingin naman ako sa labas ng kulungan.

"Nalaman na nila na nandito tayo!"- Eve.

"Tumabi ka Eve! Susunugin ko ang kadena!"- sabi ko kaya agad naman siyang lumayo. Nakita ko na nakapasok na ang mga guwardiya.

"Ako ang bahala sa kanila! Magmadali ka na Fear."- Eve.

"S-sige."- agad ko ng sinunog ang kadena na nasa paanan ni nanay.

Gumana ka please.. Gumana ka.

Umiinit na ang kadena.

Matutunaw kaya 'to?

"Tumakas na kayo!"- sabi ni nanay.

"Ayaw!" -sabay naming sagot ni Eve.

Kinakalaban na ngayon ni Eve ang mga kawal. Ako naman mas pinalakas ko pa ang apoy ko.

"Gumana ka sabi! Yaahhh.!!!"- binuhos ko ang buong lakas ko para mas lumakas pa ang apoy at hindi naman ako nabigo dahil unti-unti ng natutunaw ang kadena! ^.^

Kunti na lang. Kun-ti n-na lang!

"AAAAAHHHH...!! FEARRR! TULUNGAN MO 'KO!"- sumigaw si Eve kaya napatingin ako sa kanya. Hawak-hawak siya ng kalaban.

"Eve!"- binaling ko muna ang atensyon ko sa kalaban na may hawak kay Fear.

Mabilis akong tumakbo para makalapit sa guwardiya. Hinawakan ko siya sa likod at agad na sinunog ang kanyang likod pero parang hindi man lang siya nasaktan.

"Ate Tracy! Umalis ka na dito!"- sigaw ni Eve habang pinipilit niyang makawala sa kamay ng kawal. Nakita kong pati si Tracy ay malalapitan na ng mga kalaban kaya agad siyang nagteleport.

Papa'no ako makakalaban ng maayos kung andaming preso dito? Baka pati sila matusta ko.

"Fear! Aaahhh..!"- sigaw ulit ni Eve.

The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon