Before the fight at the school.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
-ARIA'S POV-
Pagkapasok namin sa Elder's place tumambad samin ang napakaraming matanda na magkakapareho ang mukha. Pano namin malalaman kung sino talaga sa kanila ang pinuno dito?
"Oh.. This will be hard."- mahinang sambit ni Kit.
"Yeah."- segunda ni Vin.
Lahat ng mga matatandang nakikita namin ay may ginagawa. Nag-aayos ng harden, nagkakarpintero, nag-uusap, nag-lalakad, nag-tatawanan at kung anu-ano pang gawain ng matatanda.
Puro pa sila lalaki ha? 'Tapos maliliit sila. Siguro hanggang bewang ko lang sila. May suot silang patriangulong sombrero na may mga stars pa na kulay asul. Para silang wizard sa ayos nila
"Hey old man. Who's your boss here?"- Napanganga ako sa ginawa ni Kit dahil hinawakan niya sa damit ang isang matanda at binuhat ito.
"Hoy Kit! Ano ka ba?! Ibaba mo siya! Wala kang galang sa matanda ah!"- singhal ko sa kanya.
"Mamaya na kapag sinabi na niya satin kung sino ang head nila dito."- aniya habang sinusuri niya ang matanda.
"Ahh.. Ayaw mong ibaba ha? Sige.. ikaw na lang ang ibababa ko! DAPA!"- Ginamit ko ang telekinesis magic para mapadapa siya. Agad ko namang pinalutang ang matanda para hindi ito madamay.
"ARAYYYY!!"- daing niya pagtama sa lupa.
"Hahahaha!! Kawawang Kit. XD" tawa ni Vin.
"Maraming salamat iha ha."- sabi ng matanda na tinulungan ko pagkalapit sakin.
"Walang anuman po. ^.^" tugon ko.
Magalang ako at mahal ko ang mga may edad na dahil parang katulad rin sila ni nanay.
Speaking of nanay. Miss ko na si nanay Mathilde. Waahhh..!! T_T
"Ah.. Old man.. Sino po ang pinuno niyo dito?"
Magalang nga ang pagkakatanong ni Vin pero sinakal naman niya ang matanda gamit ang kanyang braso!
Mga baliw! >,<
"Vin! Bitiwan mo siya! Balak mo ba siyang patayin ha?!"- dali-dali akong lumapit sa kanya at agad kong pinabitaw ang kanyang braso. Pagkabitaw niya rito ay nahirapan talagang huminga ang matanda. Kawawa naman.
"Sabihin na lang kasi agad para hindi na masaktan."
"Tumahimik ka Vin, baka kunin ko ang hininga mo."- tinitigan ko siya ng masama kaya agad siyang napatago sa likuran ni kuya Black at nagpa sulyap-sulyap sakin.
Takot ka naman pala eh.. Tsk! -__-
"Mr. Old man where's the elder here?"- magalang na tanong ni kuya Black. Mabuti.. Mabuti yan.
"KAMI!"- nabigla naman ako dahil sabay-sabay sumagot ang lahat ng matanda.
Hala? Parang mahirap nga 'to.
"Sasabihin niyo o HINDI?!"- napatingin naman ako kay kuya Black na parang naging war freak!
Nagpalabas siya ng poison death galing sa paanan niya at kumakalat ito sa paanan ng matatanda! O.O
"WAAAHHH!! KUYA BLACK! ITIGIL MO YAN! MAMAMATAY SILA!"- nangamba ako dahil parang ayaw niyang itigil ang ginagawa niya. Naging buto na ang kalahating katawan ng mga matanda!
"Say it!"- banta niya pa.
"HINDI!"- sabay na sagot pa rin nila.
"Ok.. then you will die!" -hinanda na niya ang kanyang kamay. Lagot na! O.O
BINABASA MO ANG
The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}
FantasyHere is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? *** © All rights reserved 2017 Date: Feb 5. to March 29. {Done} *** PAALALA: Hindi po ito mala...