CHAPTER 9 {Daughter of Gods}

22.1K 942 27
                                    

ARIA'S POV

Hinihintay ko ang susunod na sasabihin ni nanay pero tahimik lang siya.

Ano ang susunod kong gagawin?

"Nay?"- minulat ko ang mga mata ko.

.

O.O << me.

.

Nasa'n ako???

.

Kakaiba ang lugar na'to.

Kasama ba to sa lugar na pag e'ensayuhan namin?

Para akong nasa Greece. Napaka ganda ng bawat haligi ng lugar dito. Mukha siyang isang kaharian. May magagandang mga hayop na dito mo lang makikita. Nakakabilib at nakakamangha ang lahat na nandito. Magaganda ang mga bulaklak at halaman. 'Tapos may naririnig akong umaawit.

Sinundan ko ang boses kung saan ito nanggaling at napadpad ako sa isang malaking pool na may isang sirena.

Mas maganda pa siya kaysa sa prinsesang sirena na nakalaban ko.

Siya ang umaawit at may hawak siyang instrumento. Napatigil siya sa pag awit niya at napatingin sakin. Nginitian ko siya at ngumiti rin siya sakin pabalik.

"Hello prinsesa. Ikinagagalak akong makita kita dito sa kaharian."-sabi niya.

Ako ba ang tinutukoy niya?

Tumingin-tingin muna ako sa paligid baka hindi ako ang sinasabihan niya. Baka mapahiya pa tuloy ako kapag nag assume agad ako.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Prinsesa Aria. Hinihintay ka na ng iyong ama."- muli niyang sabi.

Hala?

Ako nga ang tinutukoy niya! O.O

Sinabi niya ang pangalan ko eh at saka hinihintay ako ng ama ko? Wala akong ama sa pagkakaalam ko.

"Dumiretso ka lang sa gintong daanan at siya'y iyong makikita."- patuloy niya.

"Ah maraming salamat. Sige.. Ano.. Mauuna na ako."- sabi ko.

"Walang anuman, prinsesa."- umawit na siya ulit at pinatugtog ang instrumento niya. Ako naman ay lumakad na at sinunod ang sinabi ng sirena.

Sa gitnong daanan daw ako dadaan. May nakikita akong Asul, Berde at Pula na daanan.

Sa'n kaya yon papunta?

Lumakad na ako ng diretso sa gintong daanan. Nakita ko ang magagandang sinning dito. Ibat-iba at ito'y makukulay. Lahat ng madaanan ko ay kumikislap.

Palakad-lakad pa rin ako.

Ano kaya ang dulo ng daanan na to?

Ang ama ko ba talaga?

Nang malapit na ako sa dulo ay bigla akong nasilawan sa liwanag. Pero unti-unti rin naman itong nawawala at nakita ko na ang kabuoan nito.

HOWOWWW.!

NAPAKAGANDAAAA!!!! (* . *)

Napanganga talaga ako sa nakikita ko ngayon. Totoo ba ito??

Purong ginto ang lahat na nasa paligid.

Bangko..

Lamesa...

Dingding...

Sahig...

Lahat! Puro ginto!!

At hindi lang yon..

The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon