CHAPTER 39 {Missing Kids}

10.3K 432 13
                                    

-ARIA'S POV-

Mabilis lumipas ang oras at panahon.

Tinawag ako ng mga kapwa ko alicians na "Legendary Alician" dahil sa nangyari sakin. Ginagalang ako ng mga tao.
Minamahal at inaalagaan, lalo na ang pamilya ko at si Blake.

Ikinasal kami ni Blake no'ng 19 kami pareho at don na kami sa kastilyo tumira habang yung mga kapatid ko ay nasa bayan at sa bundok napiling tumira.

'Tapos may kunting nabago sakin. Nong ipinanganak ko si Alice ay maraming nagtaka kung bakit walang mahikang pinapalabas ang anak ko.

Sabi nila ay baka daw nawala na ang mahika ko dahil sa pagsauli ko sa sinaunang mahika sa mahiwagang puno.

Kahit man lang daw ay minana ni Alice ang mahika ng kanyang ama pero sa katunayan niyan ang mga anak ng mga kapatid ko ay ibat-ibang mahika naman ang taglay nila. Iba sa mahika ng mga magulang nila.

Nalulungkot ako at nasasaktan na nakikita kong nahihirapang makihalubilo sa iba ang anak ko. Hindi naman nila totoong kilala ang anak namin ni Blake.

"Hon, nakita mo ba kung nasa'n si Alice?"- tanong ko sa asawa ko. Abala siya sa pag-aayos ng mga kagamitan sa kwarto ni Alice.

Gusto kasing ipabago ni Alice ang ayos ng kanyang kwarto at gusto niya na ang daddy niya mismo ang gumawa.

"Lumabas siya kanina, hon."- aniya na patuloy hinihila ang closet ng anak namin. Ayaw rin kasing gamitin nitong asawa ko ang kakayahan niyang magpalutang. Gusto niyang sarili niyang lakas at kakayahan ang kanyang gamitin sa pag-aayos. Mabuti daw yon sa katawan.

"Wala siya sa labas. Hinanap ko na siya sa paligid pero wala siya."- sabi ko.

"Ha? Eh kung aalis yon dito nagpapaalam naman yon sakin o sayo." - napahinto naman siya sa paghila.

"Eh hindi siya nagpaalam. Dali na hon. Hanapin natin!"- nag madali na kaming umalis sa kastilyo.

Hindi talaga ako mapapakali kapag nawawala siya.

Sinubukan pa rin namin siyang hanapin sa paligid ng kastilyo pero wala talaga siya.

"Hon, baka naman pumunta siya sa mga pinsan niya? Don naman siya lagi pumupunta."- suhestiyon niya.

"Sinong hinahanap niyo?"- napatingin naman kami kung sino ang dumating.

"Kuya Black, ikaw pala."- sabi ko.

"Si Alice ba ang hinahanap niyo? Nagpaalam siya sakin kanina na pupunta siya kina Steve."- aniya. So umalis nga ang anak ko. Bakit hindi siya nagpaalam sakin o kay Blake? May problema ba siya?

Kailangan ko na talaga siyang mahanap.

"Nando'n siya? Sige alis na muna kami kuya."- paalam ni Blake rito.  Nagmadali na kaming umalis sakay ng karwahe papunta sa bahay nila Steve at Eve.

Pagkarating namin sa bahay nila ay agad kaming kumatok.

"Aria! Blake! Nandito pala kayo. Na miss niyo ko noh?"- Si Eve ang nag bukas ng pinto.

"Hindi no. Anong na miss eh kahapon lang tayo huling nagkita. Pumunta kami dito para tanungin kung nandito si Alice?"- tanong ko.

"Ay Oo. Nandito siya kanina. Nakita ko sila sa likod bahay namin kasama rin nilang dalawa sina Betty at Ford. May ginawa na naman kasi ang anak ko. Baka andon lang sila."- aniya.

"Ganon ba? Sige salamat, Eve."- sabi ko at pumunta na kaming dalawa ni Blake sa likod bahay nila. Nakita nga namin ang isang malaking tree house. Paniguradong gawa ito ng anak nila Eve na si Sylan.

The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon