CHAPTER 41 {About Alice}

9.3K 438 4
                                    

-ARIA'S POV-

Sa paghahanap namin sa mga bata kanina ay may narinig kaming nagsisigawan sa 'di kalayuan kaya kinakabahan na ako.

Nagmadali kaming pumunta sa nagkakaguluhang tao at nakita na nga namin ang mga bata. Nakita namin na halos mawasak ang buong syudad dahil sa ginawa ng anak ko--- si Alice.

Oo, may mahika ang anak ko. Pero hindi ko pwede sabihin sa iba pwera lang sa mga kapatid ko .

~•~ FLASHBACK ~•~

Galing kami sa pamimili ng mga bagong kagamitan sa aming mga bahay.

Kasama ko sila Bea, Eve at Fear.

Inanyayahan ko silang pumasok muna sa kastilyo para maipaghanda ko sila ng makakain kasi parang bonding na namin yon magkakapatid at bilang mga ina.

Pumunta muna ako sa silid ko para kunin ang anak ko na si Alice ngunit wala siya sa kanyang kuna. Magdadalawang taong gulang palang siya non. 'Yong tagapangalaga ng anak ko ay naging pabaya. Hindi niya namalayan na nawawala na ang bata.

Kung saan-saan namin siya hinanap sa loob ng palasyo. Tumulong na rin saming sa paghahanap ang mga kapatid ko. Natatakot na ako baka may masamang nangyari sa kanya o may ibang taong kumuha sa kanya.

Wala rin non si Blake dahil may inaasikaso sila sa labas ng palasyo. Hanggang sa makita namin si Alice sa harden.

Naabutan namin siya na nakatayo sa gilid ng fountain at pinapalutang niya ang isang hayop na bunny.  Para niya itong sinasakal at parang bombang biglang sumabog ang katawan nito. Nagkalat ang laman ng bunny at natalamsikan siya ng dugo nito. Tuwang-tuwa siya sa kanyang ginawa. Nagulat rin kami at halos hindi kami makapaniwala sa nakita namin. Mga patay na hayop na nakabulagta sa buong paligid. Puro duguan at lahat patay na.

Nang may pinapalutang na naman siyang isang hayop na squirrel. Dali-dali ko na siyang nilapitan at kinarga. Agad namang nahulog sa sahig ang hayop.

Hindi ko mawari pero mukhang nagagalit ang anak ko sa mga hayop sa paligid niya.

"Aria, ang anak mo. Delikado ang mahika niya."

Nakalapit na pala sakin sina Eve na puno ng pag-alala at bakas ang takot na nakita nila.

"Oo nga, Aria. Nakakatakot ang mahika niya. Bata pa lang siya pero marami na siyang pinatay na hayop."- wika naman ni Fear.

"Mga kapatid, natatakot ako para sa anak ko. Hindi ko alam na kaya niya itong gawin."- maluha-luhang pahayag ko sa kanila. Hindi ko gustong lumaki na isang kriminal ang anak ko.

"Dapat lagi mo siyang bantayan, Aria baka maulit na naman 'to."- babala ni Bea na nilalaro si Alice.

Tawa lang ng tawa ang anak ko.
Pero inosente ang aking anak. Hindi niya alam ang kanyang ginagawa dahil siya'y baby pa lamang.

Simula noon hanggang sa nag limang taong gulang na si Alice ay lagi ko na siyang binabantayan. Hindi na naulit ang paggamit niya ng mahika niya kaya akala ko ay okay na.

Okay na para hindi ko siya bantayan lagi tutal malaki-laki na rin siya. Kaya umalis muna ako para bisitahin si nanay Mathilde sa dati naming tirahan. Mga ilang oras lang akong nag stay don sa bahay dahil agad naman akong umuwi.

Pagkauwi ko sa palasyo ay naabutan ko si Alice sa kanyang kwarto na nakaupo sa sahig at lahat ng kagamitan niya rito ay puro nasira.

Nagkalat ang mga basag na salamin at kagamitan. Alam kong siya na naman ang may kagagawan nito kung bakit lahat na nandito ay magulo. Kaya muli akong natakot sa mga pwede pa niyang gawin.

The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon