CHAPTER 19 {Theater Practice}

15.8K 620 3
                                    

-ARIA'S POV-

Nahihirapan pa rin akong huminga. Hinihingal ako habang naglalakad pabalik sa Amphi Theater.

Mag papatingin na talaga ako sa manggagamot o albularyo para malaman na ang dahilan kung bakit nangyayari ito sakin.

'Di nagtagal ay nakarating na ako sa theater.

"Aria! Buti dumating ka na bakit ang tagal mong bumalik? Nakabisado mo na ba ang linya mo?" - bungad na tanong sakin si kuya Chris pagkalapit.

Hindi ako makasagot. Ewan ko ba. Para akong nawalan ng gana. Yong stage ay para talagang nasa bukid. Gumamit sila ng totoong lupa at damo. May mga puno rin.

"Ayos ka lang ba Aria? Bakit ang putla mo? May nangyari ba sayo?"- tanong ulit niya na may halong pag-alala.

"Huh? Ah..wala kuya Chris. Ayos lang ako. Ano... hindi ko pa nabasa ang buong script." - malungkot kong pahayag.

"Ganon ba? Pero madali mo naman siguro makakabisado ang linya mo kung bibigyan kita ng mga 30 mins.?"-aniya.

What!!! 30 mins. lang?

"Susubukan ko direk."-sagot ko na lang.

Naku po..! >,< Napasubo pa ako. Nagbasa na ako agad. Dapat walang sayanging minuto.

After 30 mins...

"Oh Aria.. namemorize mo na?"- tanong ni kuya Chris.

"Medyo.. Hehehe..^.^"

Eh ang totoo niyan.. Hindi ko memorize ang linya ko.>,<

Yong mga ganap lang sa scene 1.

"Ayos na yan. Halika magsimula na tayo."- hinila na niya ako papuntang stage.

Diyos ko Lord. Tulungan niyo po ako. T__T

"Ok! Ang alipin at ang prinsesa ay nasa stage na kaya magsimula na tayo. Aria, lalapitan mo ang mga alipin 'tapos alam mo na ang gagawin mo ha? Dapat yong para ka talagang masamang prinsesa. 'Tapos ikaw alipin dapat umiiyak ka habang nagmamakaawa sa prinsesa."- sabi ni direk.

"OPO!"- Sagot namin.

"Simulan na natin."-aniya.

.....

"LIGHTS! CAMERA! ACTION!"

Pak!

Kailangan kong galingan. Ayaw kong mapahiya. >,<

Stand straight! Chin up!

Lakad na parang reyna hindi lang basta prinsesa 'tapos lalapit sa isang alipin ng palasyo na naka luhod sa harapan ko.

"Hahaha..!! Dyan ka alipin at kainin mo ang mga damong yan! Hahaha..!!" -mala demonyang tawa ko. Hinawakan ko ang buhok ng alipin ng mahigpit at iningudngod  ko ang mukha niya sa lupa.

"Yan! Kainin mo! Nababagay lang sa inyong mga hampas lupang alipin!"- 'tapos mas nilakas ko pa ang pag hila ng buhok niya at patuloy na ningudngod ang pagmumukha niya.

"CUT! CUT! ARIA! ITIGIL MO YAN! Para kang sinapian ng demonyo sa ginawa mo sa alipin!"- Sigaw ni Direk.

Huh?

Bakit niya ako pinapatigil? Tama naman ang ginagawa ko ah? Sabi niya dapat talagang isa akong masamang prinsesa. Oh ginawa ko naman di ba?

Napatingin ako sa kanila at ganito ang reaksyon nilang lahat.

.

O.O < < Sila.

.

"Acting lang 'to Aria. Hindi totohanan! Bakit ganon ang ginawa mo? Tignan mo ang itsura ng alipin."-Direk.

The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon