-BLAKE'S POV-
Narinig namin ang lahat ng naging usapan nila sa loob ng opisina. Gusto ko silang tulungan dahil nakaramdam ako ng awa dahil talagang may magsasakripisyo ang isa sa kanila sa bandang huli. Kapag dumating na ang oras niya... ay wala na siyang magagawa kundi ang sundin ang nakatadhana sa kanya. Kaya nong natapos na silang makipag-usap kay ama agad na namin silang sinundan.
Ginamit namin ang mahika ni Steve para makaharap namin sila at makausap ng seryoso. Narinig namin na nag-uusap sila tungkol sa mga nalaman nila kaya nga nagpakita na kami sa kanila.
"Kung gusto niyong malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa nakaraan at sa legendary magic ay tutulungan ko kayo."-sabi ko. Nagulat sila ng bigla kaming sumulpot.
"Papano kayo nakapasok sa kwarto namin!"- sabi ni Fear na parang handa kaming kalabanin.
"Dahil kay Steve. Pero hindi kami nandito para makipag away sa inyo. Ako ang makakatulong sa inyo sa mga bagay-bagay na gusto niyo pang malaman."- paliwanag ko.
"At bakit naman kami maniniwala sayo?"- wika ni Bea.
"You have no choice kasi kami lang ng pamilya ko ang totoong nakakaalam sa nakaraan at iba pang importanteng pangyayari sa sinaunang panahon."
Totoo talaga. Walang halong biro. Nasa personal na gamit ni ama ang mga naganap noong matagal na panahon na.
Nasa Book of Prophesis and History ang mga nangyari.
Kapag may importanteng naganap sa mundo ng mahika o sa tao ay agad yong masusulat sa librong yon.
"Argggghhh..!!!" - nabigla kami ng sumigaw si Aria. Hawak-hawak niya ang dibdib ng mariin.
'Tapos bigla rin itong nagliliwanag.
What the!? O.O
Masakit sa mata yong liwanag na nanggagaling sa kanya. Napatakip na lang ako ng mata at bahagya ko siyang pinagmamasdan. Kitang-kita ko ang paghihirap niya.
Teka..
Parang alam ko na kung ano ang nangyayari sa kanya.
"Aria! Anong nangyayari sayo!"- agad nilang nilapitan si Aria habang kami nakatayo lang at nakatulala. Hindi ko pa rin kasi alam kung ano ang pwede naming gawin sa sitwasyon na 'to.
Oo alam ko kung anong nangyayari sa kanya ngayon pero hindi ko alam kung pano ko siya matutulungan para mawala ang sakit na nararamdaman niya.
"Aaaaahhhhh..!! >,<"- Sumigaw ulit siya at unti-unti ng humihina ang liwanag na galing sa kanya. Pinaghinaan agad siya matapos ng nangyari. Sobrang pawisan siya at namumutla ang labi.
"Aria, ayos ka lang ba? Anong nangyari sayo ha?"-pag-alala ni Eve rito.
"H-hindi ko a-alam."- anito. Napapapikit na si Aria at bigla siyang napahiga sa kama.
O.O <<< kami.
"ARIAAAAA...!!!"- sigaw ng mga kaibigan niya at agad na siyang nawalan ng malay.
* * * *
-ARIA'S POV-
Nakasuot ako ng puting gown at patakbo takbo ako. Hindi ko alam kung saan ako papunta.
Sobrang dilim ng paligid. Hindi ko talaga mahanap ang daanan. Hanggang sa makarinig na naman ako ng magandang boses.
'Come my little princess.. Be my life... Find me, get me and I'll be yours...🎶🎶 Seek... the Power of your magic..🎶 and you'll find your true self in my power.🎶'
BINABASA MO ANG
The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}
FantasyHere is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? *** © All rights reserved 2017 Date: Feb 5. to March 29. {Done} *** PAALALA: Hindi po ito mala...