-BLAKE'S POV-
"Mahal na hari! Mahal na hari may nakapasok na kalaban sa bayan! Marami pong mga higante at mga bubuyog na may mga lason! Maraming tao ang sugatan at nakikipaglaban!"- boses yon ng heneral ng mga kawal kaya agad akong napatakbo palapit saking ama na nakaupo sa kanyang trono.
"Nakapasok ang mga kalaban! Ipadala ang mga kawal at ang mga halimaw na ibon!"- utos ni ama at agad namang tumango si heneral. Lumabas na siya ng palasyo at lumapit naman sina Steve, Drew, Floyd at ang pamilya nila samin.
"Blake? Nakapasok ang kalaban? Tumulong tayo sa paglaban sa kanila!"- sabi ni Bea.
"Oo tama! Hindi pwedeng may manggugulo sa lugar natin!"- sabi naman ni Fear.
"Tayo nang makipag laban! Yaaahh!!"- tinig naman ni Eve. Tatakbo na sana sila kaso hinarangan sila ng kanilang mga asawa.
"Kami na ang bahala sa kanila. Dito na lang kayo para ligtas."- pigil ni Steve sa kanyang asawa na si Eve.
"Mapapahamak kayo kapag lumabas kayo ng palasyo."-Drew.
"Bantayan niyo na lang ang mga bata."- Floyd.
"HINDI!"- sabay nilang sagot. Nagulat naman ang tatlo sa kanila.
"Tandaan niyo boys. Mga anak kami ng mga Gods! Hindi kami basta-bastang magpapatalo sa mga kalaban. Alam niyo naman na mas lumakas na kami ngayon!"- Eve.
"Kaya lalaban kami! Alis! Baka nasira na ang bahay natin!"- Pagtataboy ni Bea kay Drew.
"Huwag mo rin akong pigilan Floyd kasi tutulong ako sa pakikipag laban!"- tinulak ni Fear ang kanyang asawa at agad na silang kumaripas ng takbo.
"Bakit ang tigas pa rin ng ulo ng mga asawa natin."-napapailing sabi ni Steve. Haha!! Sinabi niya pa!
"Wala tayong magagawa eh mas malakas sila kesa satin."- bumuntong hininga naman si Drew.
"Tayo na at tulungan natin sila. Mga bata dito lang kayo ha. Huwag kayong aalis sa palasyo."-paalala ni Floyd sa mga anak nila.
"Opo."- tugon nila.
Tumango ako. Senyales para umalis na kaming apat papuntang bayan. Pagkatapos ko dito ay ikaw naman ang susunod kong aasikasuhin Aria.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
-FEAR'S POV-
Tumakbo kami paalis ng palasyo at agad akong gumawa ng fire phoenix at sinakyan ito. Lumipad na kami patungo sa bayan.
*Squieeckk!! (Phoenix Sound)
Nakikita ko na ang maraming higante na sinisira ang mga kabahayan ng syudad!
May malalaki silang pamalo na gawa sa malaking kahoy at maraming mga bubuyog na kulay ube. Agad kong pinagsusunog ang mga ulo ng higante.
"Lumayas kayo sa lugar namin!"-hiyaw ko sa kinalakalaban.
Pati ang mga taga syudad ay tumulong na nakilaban sa mga higante. Iilang higante na rin ang kanilang naitumba.
May mga kawal ding tumulong sa pagsugpo sa mga higante at may mga halimaw na ibon na tumutulong para maubos ang mga nakalalasong bubuyog. Kinakain nila ito.
Umikot ako ng umikot sa isang higante at mas pinalakas ko pa ang mahika ko. Mas sinusunog ko na ang kanyang buong at natutusta na rin siya. Sinama ko na rin sa pagtusta ang pest*ng mga bubuyog!
Andami ng nalason na mga tao!
Nagsisigawan na ang mga bata at ibang matatanda. Nakita ko ang isang bata na madaming bubuyog ang umaatake sa kanya kaya agad akong napababa para kunin siya pero bago yon ay sinuntok ko muna ng nagbabagang apoy ang paanan ng higante.
BINABASA MO ANG
The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}
FantasyHere is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? *** © All rights reserved 2017 Date: Feb 5. to March 29. {Done} *** PAALALA: Hindi po ito mala...