CHAPTER 48 {Ritual}

8.5K 300 7
                                    

-BETTY'S POV-
(Balira and Dilogo's daughter)

Pumunta na kami sa timog at nadaanan namin ang mga halimaw na itim. Ang mga uwak na sinumpa. Pulang-pula ang kanilang mga mata at sobrang tulis ng kanilang mga tuka. Kaya ang nangyari bago kami mapadaan ay nakipaglaban muna kami sa kanila.

Agad akong nag palabas ng maraming malalakas na agila para ipaglaban sa mga uwak.

.

*KWAKKK..!! (Uwak)

.

*SQUECKKK..!! (Agila)

.

"Gora! Mga kaibigan! Dapat 'yan! Ganyan! Tukain mo siya! Yan! Ohhh!! Lipad! Lipad ng mataas! Huwag kang mag papahuli!"- Cheer lang ako ng cheer sa mga alaga ko. Ang ganda nilang tignan na nakikipaglaban!

Si Sylan naman ay nanonood lang habang si Ford ay nakikipag laban rin sa mga salot.

"Lava boost! Yaaahhhh..!!"- Nag palabas ng mahika si Ford at agad niya itong pinatama sa mga uwak na nagliliparan sa palibot namin.

"Ford! Huwag mong idamay ang mga alaga ko!"- bulyaw ko sa kanya. Tinamaan ba naman pati ang mga agila ko. Hindi nag-iingat.

"Paalisin mo para hindi madamay!"- iritang aniya.

"Loko ka pala eh! Pasalamat ka na lang dahil tinutulungan tayo ng mga alaga ko!"- asik ko naman sa kanya. Kala niya kung sino siyang boss! Hemp! >,<

"Bahala ka! Basta huwag mo kong sisihin kung may mangyari sa mga alaga mo!"

"Huwag mo nga akong sigawan! Hindi ako bingi!"- sinamaan ko siya ng tingin at ganon rin siya sakin.

Sige.. Makipagtitigan ka. Tingnan natin kung sino ang unang iiwas.

1 min. ..

3 mins. ..

5 mins. ..

"Argh! Kainis!"-inis niyang sambit at binaling na lang ang atensyon sa kinakalaban.

Siya ang unang umiwas ng tingin! Hahaha.. ^.^

Kala mo ah!

"Betty! Parating na sa'yo!"- biglang sigaw ni Sylan kaya naalarma ako para yumuko dahil muntikan na akong madagit ng malaking uwak!

"Umalis ka, Betty! Huwag kang humarang!"- taboy sakin ni Ford.

An'sama talaga nito! >,<

Umalis naman ako at kinalaban na niya ulit ang mga uwak.

Atake dito..

Atake doon..

*TOGSHHH.!!!

Natunaw ang lahat ng uwak sa isang tira lang ni Ford gamit ang mahikang Lava Flood!

Wow! Ang astig non ah!

"Tayo na patungo sa timog silangan!"- sabi ko at agad na kaming lumipad ulit. Narinig ko namang tumunog ang tiyan ko.

"Nagugutom na ako. Sylan! Mag drawing ka ng pagkain! Gutom na ako!"- sigaw ko dahil malakas ang ihip ng hangin 'tapos maingay rin ang pag pagaspas ng pakpak ng mga sinasakyan namin.

"Ano ba yan! Ngayon ka pa nagutom eh lumilipad pa tayo!"- angal niya.

"Ehhh..! Sige na! Gutom na ako eh!" Pinilit ko talaga siya. Alangan namang mamatay ako sa gutom. Pa'no na namin maililigtas si Alice kapag nangyari 'yon 'di ba?

The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon