-ARIA'S POV-
"YAAAAAAAHHHHH..!!!"- Sigawan namin at agad na rin kaming sumugod sa kanila. Nagpalabas ako ng malakas na hangin at pinapaikot ito sa kanila hanggang sa naging ipo-ipo.
Si Blake naman ay pinapatamaan niya ng kidlat ang maraming kalaban. Agad natumba ang mga ito dahil sa kuryenteng dulot niya sa kanila.
Si Steve naman ay ginamit niya ang anino niya para papasukin sa loob ang mga kalaban. Don niya binubugbog at itatapon sa ibang lugar.
Si Drew naman ay kinonkotrol niya ang mga kalaban. Hinahayaan niyang mag laban ang kapwa nilang kawal.
Si Bea ay gumawa ng big water ball para don ipasok ang kalaban para lulunurin.
Yong hari at yong anak nito ay nakatingin lang saming ginagawa pero.. kakaiba siya kung makatingin sakin.
'Ang anak ng sakim na hari.' -mahinang sambit ko sa isip.
Biglang may nagpalabas ng mga halimaw.
Howaaaat??? O.O
Ang laki nila!
May hawak na malalaking kahoy at isa lang ang kanilang mata. Hinambalos niya ako ng malakas gamit ang hawak niyang kahoy.
"Ahhhh..!!!"- Agad akong umiwas. Buti na lang at hindi ako tinamaan. Hinambalos niya ulit ako ng kanyang pamalong kahoy kaya nagpagulong-gulong ako.
Binigyan ko siya ng Air Strikes!
Isang matulis na hangin kung saan masusugatan ang matatamaan nito."Raaaawrrr!"- daing nito at nasaktan siya sa atake ko.
May bigla namang sumaksak likod ko kaya napadaing ako at bahagyang napaliyad. Shemss! >,<
"Aria!"- sigaw ni Blake 'tapos pinatamaan niya ng kidlat ang nasa likuran ko. Agad naman niya akong nilapitan at binunot niya ang nakasaksak sa likuran ko.
"Ahw! Ang sakit."- daing ko pa rin. Ang sakit talaga! T__T
"Kaya mo pa bang makipaglaban Aria?"- tanong niya sakin.
"Kaya ko. Yuko!"- agad namang yumuko si Blake at pinatamaan ko ng hangin ang kalaban na aatake sana sa kanya. Tumilapon ang kalaban sa pader kaya tumayo na kaming dalawa at nakipaglaban ulit.
"Yaaah! Yaah! Yahh.!!!"- patuloy ko silang pinapatamaan ng air waves.
Halos liparin sila palabas ng kastilyo sa lakas ng hangin na dulot ko. Nagkakaroon pa ng sira at bitak ang mga pader pagkatama nila dito.
"Drew! Umilag ka!"- babala ni Bea sa kasamahan namin.
May lumipad na isang malaking palakol patungo kay Drew pero hindi niya namalayan dahil nakabaling ang atensyon niya sa pagkokontrol sa mga higante.
'Tapos si Bea sinubukan niyang harangan ang armas patungo kay Drew pero hindi niya ito napigilan ng mahika niya kaya dali-dali siyang tumakbo para lapitan si Drew.
Tinulak agad ni Bea si Drew paalis pero natamaan naman siya sa tagiliran.
"BEA!!!!"- Patakbo akong lumapit sa kanya. Pati sila Drew at Steve. Samantalang si Blake ay nilalabanan ang mga kalaban na lalapit samin.
"Bea, sorry.. dahil sakin nangyari yan sayo."- malungkot na saad ni Drew na nakokonsensya. Ang laki ng tinamong sugat ni Bea.
"Bea.. hoy Bea! Huwag kang matulog!"- sabi ko. Napapapikit siya at napansin namin na unti-unting nagkukulay itim ang sugat niya.
BINABASA MO ANG
The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}
FantasyHere is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? *** © All rights reserved 2017 Date: Feb 5. to March 29. {Done} *** PAALALA: Hindi po ito mala...