CHAPTER 32 {Ball Night Part II}

13.2K 568 19
                                    

Before Blake bumped to Aria..

• • • • • • • • • • • • • • • • • • •

-ARIA'S POV-

"Be ready for our wedding tomorrow Aria."- paalala ni Demon. Andito lang ako sa kwarto. Nakakalabas naman ako sa palasyo nila ngunit hindi ko magamit ang mahika ko.

Hindi ko talaga alam kung bakit?

Inaalam ko kung anong ginawa niya para hindi ko magamit ang mahika ko at inalam ko rin kung pa'no niya ako pinalaki.

Ang sabi lang niya.. habang wala pa akong malay no'n ay nilagay niya ako sa isang kabinet na may kakaibang mahikang nakapaloob. Na kaya nitong magpabata o mag patanda ng tao dahil ito ay isang time closet.

Talagang 18 yrs old na ako ngayon at bukas ay ikakasal na kami.

Sa ayaw at sa gusto ko ay wala akong magagawa kundi ang sumunod sa gusto niya. Kapag hindi ako pumayag papatayin nila ako. Ilang araw na akong nalulungkot at umiiyak.

"Demon.. please.. pwede bang makita ko ang pamilya ko? Please? For one last time bago tayo ikasal?"- pagmamakaawa ko sa kanya.

"Hindi pwede baka tumakas ka."

Akmang tatayo na siya pero agad ko siyang pinigilan. Humawak ako sa kanyang kamay at lumuhod sa kanya.

"P-please. Gusto ko makita ang mga kapatid ko. Maski si nanay ay ayaw mong ipakita sakin. Ano bang naisip mo na gusto mo 'kong pakasalan?"

Hindi ko na napigilan kaya napaiyak na ako.

"Kapag sinabi kong hindi pwede. Hindi pwede."- at iniwan na niya ako..

Iyak lang ako ng iyak. T___T

Bakit ba walang lumiligtas sakin? Nakalimutan na ba nila ako? Hindi ba ako importante sa kanila? Hindi ba nila ako namimiss?

Andami kong katanungan sa isip na alam ko namang walang makakasagot.

Tumayo ako at humiga sa kama. Pa'no ba ako makakaalis sa lugar na 'to?

How?

Sa kakaisip ko ay napapikit ako.

'Ariaaa..'

Hmm? Boses yon ni ama ah?

'Ama.'- sagot ko.

'May pagkakataon ka pang makaalis anak. Hindi ako papayag na makasal ka sa kanya.'- aniya.

'Papa'no?'

'Sirain mo ang bagay na lagi mong suot-suot at ika'y makakawala sa kanilang mahika.'- patuloy niya.

Lagi kong suot? Agad akong bumangon at humarap sa malaking salamin.

Chineck ko ang sarili ko kung ano ang lagi kong suot-suot.

Damit kaya?

*iling-iling*

Nagbibihis naman ako araw-araw at paiba-iba naman ang ginagamit kong gown.

Nag-isip ulit ako.

Hair clips?

*Iling-iling*

The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon