-EVE'S POV-
Bigla na namang natumba si Aria kaya dali-dali namin siyang nilapitan.
"Aria! Aria! Gumising ka!"- niyuyugyog ko siya pero wala pa rin epekto. Hindi siya nagising.
"Mga anak hintayin na lang natin kung kailan siya magigising. Babalik din siya satin." -ngumiti si nanay na may halong lungkot.
"Hindi ko inasahan na makikialam ang God of Air kay Aria."- patuloy niya.
"Nay, ang mahika ba ni Aria ay hangin? At totoo bang anak siya ng isang Diyos?"- tanong ni Fear.
"Ekekwento ko sa inyo ang tungkol do'n kapag naipalabas niyo na ng maayos ang inyong mga mahika. Mag handa na kayo at tayo ay mag papatuloy sating pag e'ensayo."
"Pero.."- aangal pa sana ako.
"Wala nang pero, pero. Mag sasabay kayong tatlo sa pag e'ensayo."
Mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niya.
"Huwag niyo ng alalahanin si Aria. Ako na ang bahala sa kanya."- kahit nag-alala pa rin kami kay Aria ay sumunod pa rin kami sa utos niya.
Nagsi linya na kami sa harapan pero may distansya kami sa isat-isa. Nakinig naman kami sa sasabihin ni nanay Mathilde kung ano ang dapat gawin.
"Ngayon, pumikit kayo at kalimutan ang bagay-bagay na nasa paligid, tanging ang mga sarili niyo lamang ang inyong isipin."- aniya. Pumikit na kami.
"Ngayon ramdamin niyo ang inyong mga kapangyarihan."- patuloy niya.
Ramdamin.
Ramdamin daw... Hmmm.
"Huminga ng malalim at hayaang dumaloy sa katawan niyo ang mga mahika ninyo."
Huminga naman ako ng malalim at kinalimutan ko ang mga bagay na nasa kapaligiran.
Hindi ko na naririnig ang mga huni ng ibon o kung ano pa man. Tanging ang boses na lang ni inay ang naririnig ko. 'Tapos may binigkas na naman si nanay sa ibang lingwahe.
Hindi ko na lang iniisip yon at nag patuloy ako sa pag konsentrasyon kung pano ko mapapalabas ang mahikang taglay ko.
Hanggang sa, pati boses ni nanay ay hindi ko na naririnig.
Sobrang tahimik.
"Eve... "- may narinig akong ibang boses. Tinatawag niya ako.
"Eve.. Maniwala ka na nag tataglay ka ng kakaibang kapangyarihan. Isang mahikang galing sa makapangyarihan."-sabi ulit nung 'di kilalang boses.
Boses lalaki siya.
Maniniwala ba ako sa kanya?
Mukhang kailangan kong maniwala sa kanya.
Ok... Concentrate Eve.
You can do it!
Believe..
Just believe..
'Believe with all your heart and mind Eve. Kaya mo 'to.' - pag pupursige ko sarili.
Nararamdaman ko na may kung anong gumagalaw sa kamay ko kaya napamulat ako.
Pag tingin ko.
"WAHHHH..!!"- napasigaw talaga ako sa nakita ko kung ano ang gumagalaw sa kamay ko >,<
M-may... M-may ano...
Wahhhhhh! >,<
"Huwag kang matakot, Eve. Yan ang nagagawa ng mahika mo."- paliwanag ni nanay.
Huh?
Mahika ko 'to?
Isang malaking ugat ng puno na nasa kamay ko? Ito ang mahika ko? Ang kunin ang ugat ng puno?
'DI NGA!???
"Kontrolin mo, Eve. Makakaya mo yan."
"S-sige po.."- pinapakalma ko ang sarili ko at laging isinasa isip na huwag matakot. Pinagalaw ko ang aking kanang kamay na may ugat na pumupulupot at dahan-dahan naman itong bumitaw sa kamay ko.
Ang galinggggg..!
Napagalaw ko siya paalis sa kamay ko! ^.^
"Subukan mong pagalawin ang mga halaman na nasa paligid, Eve."- nanay.
"Sige!"- na e'excite na ako sa ginagawa ko. Iniharap ko ang kamay ko sa mga halamang bulaklak at bigla itong mas tumaas at bumukadkad.
"Ang ganda! Ang galing nito nay!!!"- Masayang sambit ko.
"Mabuti yan, Eve. Ipag patuloy mo lang." -nginitian naman niya ako.
"Aye! Aye! Nanay! Hehehe..^.^"- ang saya ko talaga. Sinubukan ko rin alugin ang lupa at nagawa ko nga!
Lahat nagagawa ko dito sa Paradise!
"Magaling Fear at Bea. Lahat kayo ay nag tagumpay sa huling pag e'ensayo natin." -masayang sabi ulit ni nanay kaya napatingin ako sa dalawa.
Nakita kong umaapoy ang dalawang kamay ni Fear at bumubuga rin siya ng apoy.
Ang astig talaga niya! Lalo na ang mahika niya!
Pati rin si Bea. Naging tubig ang buhok niya! WOW! MAGIC! (* . *)
Umiikot sa katawan niya ang tubig at gumagawa rin siya ng mga bola gamit ang pag buga niya ng hangin!
Napaka! Napaka! Napaka galing talaga nito!!! Yeyyyyy!!! ^.^
Natutuwa kaming tatlo dahil naipalabas na namin ang aming mga mahika kahit na hindi namin 'to inaakala dati.
Na totoo ang mahika.
Totoong totoo talaga ito!!
Grabee..!!! ^.^
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala nito.
"Ngayon, dahil medyo nakokontrol niyo na ang mga ito ay kailangan niyong patigilin ang mahika ninyo." -Napatingin naman kaming tatlo kay nanay.
"Huh? Patigilin?"- tanong ni Fear sa kanya.
"Oo. Patigilin nga."-sagot niya.
"Eh pano?"- tanong naman ni Bea.
"Yan ang dapat niyo pang matutunan. Ngayon, isipin niyo na kayo ang amo ng mga mahika niyo. Isapuso na kayang kaya niyong kontrolin ito. Maniwala lang kayo at magagawa ninyo ito."
Parang kapareha lang sa sinabi ng boses ng lalaki kanina.
Tumango na lang kami at hindi rin nagtagal ay nagagawa na nga rin naming patigilin ang mahika namin. Kailangan lang maniwala ka at kumalma. Lahat magagawa mo kung ika'y mag pupursige sa gusto mo.
"Nay..."- napalingon kaming lahat dahil sa tao'ng biglang nag salita.
Si Aria!
Nagigising na siya!
Hindi lang 'yon, bumalik na rin siya sa katawan niya. Hindi niya kami iniwan!
Thank you Lord! ^.^
.
.****
Pa voteeee.. ^^
BINABASA MO ANG
The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}
FantasyHere is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? *** © All rights reserved 2017 Date: Feb 5. to March 29. {Done} *** PAALALA: Hindi po ito mala...