TAHIMIK silang nakahiga sa sofa at nagsisiksikan sa ilalim ng isang makapal na kumot. Nakakalat sa sahig ang mga damit na kung saan-saan lang nila inihagis kanina. Noon pa lang bumabalik sa normal ang tibok ng puso ni Mac pero parang bumibilis na naman iyon sa bawat haplos ng mga daliri ni Bryce sa hubad niyang dibdib. Hinalikan niya sa noo ang babae. This woman was the love of his life, his fiancée, and very, very soon, his wife.
"Ang init-init mo," inaantok nitong bulong at nagsitayuan yata ang lahat ng balahibo niya sa katawan nang madama ang hininga nito sa balat niya.
"Ibig bang sabihin eh hot ako? O literal na mainit?"
Bumungisngis si Bryce at mas nagsumiksik sa kanya. "Both."
Napangiti siya. Mas mahigpit niya itong niyakap and he sighed in quiet contentment. His brain, usually buzzing with noise and activity, analyzing everything that he heard and saw and felt, always actively looking for danger, was quiet. So was his heart.
Nagulat siya nang mabigyan ng pangalan ang nadarama. It was peace. He was at peace. And these rare times of peace and quiet were precious to a man like him. A military man, a Navy SEAL, a man of war.
Seven years ago, he had fallen in love with the woman in his arms the first time she had looked up at him from a bruised and battered face. Pinagbuntunan ito ng galit ng international terrorist na ama nang mapatunayan nitong hindi nito tunay na anak si Bryce. Pinatay ni Vergel Fuentes ang ina ni Bryce sa harapan ng ng babae bago ito pinagbuhatan ng kamay.
Nagkataon namang nabigyan na ng go signal ang pag-atake ng SEAL Team ni Mac sa kuta ng mga ito sa South Africa.
While carrying her out of hell, she had looked up at him and called him an "angel", to which he replied, "No, ma'am. I'm not an angel. Just a Navy SEAL".
Wala siyang ginawa para paglapitin silang dalawa noon. SEAL siya at anak ito ng terrorista. And she had only been sixteen and he had been turning twenty-four.
Pero kamakailan lamang, nakatakas si Vergel Fuentes sa high security prison na pinagkulungan rito, at umalis si Bryce sa bahay ng adoptive parents nito para protektahan ang dalawa. Nagtago ito sa Pilipinas at si Mac ang naatasang maghanap dito, at kapag makita na ito, ang magtanggol at mag-train rito para maprotektahan nito ang sarili.
Hindi nito alam na sa una pa lamang, balak na ni Mac na gamitin itong pain para mahuling muli si Fuentes.
Muntik na siyang masiraan ng bait nang makidnap si Bryce gayong ideya niya iyon. At nang mamatay ito habang nire-rescue nila...
He didn't want to think about that now. Buhay ito at nasa kanya nang muli. He was never going to let her go again.
"Ano'ng gusto mong gawin mamayang gabi?" tanong niya kay Bryce na parang nakatulog na yata habang nakasubsob sa dibdib kung base lang sa bigat nito.
"Hmm?"
"Mamaya, for dinner. May plano ka ba?"
Umiling ito, kinikiskis ang pisngi sa dibdib niya bago natigilan at tumingala sa kanya. Saglit siyang natulala nang mapagmasdang muli ang maganda at maamo nitong mukha. She had looked soft back then, at hanggang ngayon ay mukha pa rin itong anghel. Her eyes were huge and round and a deep brown that was framed by thick, curling lashes. Mga mata nito ang tumawag sa kanya nang unang beses niya itong makita. Pagkatapos ay ang mga labi nitong parang tukso. May pilyang ngiti sa mga labi na iyon ngayon. "Unless ikaw ang dinner ko..."
Tumawa siya at kinurot ang tungki ng ilong ng girlfriend. "Sige, ako na ang i-lunch mo, pero I'm taking you out to dinner."
Ipinatong nito ang baba sa mga kamay na nasa dibdib nito. "Saan tayo pupunta?"
BINABASA MO ANG
Immortal Beloved II
RomanceON GOING --- Immortal Beloved I (Sentinels 6) has been published by Bookware Publishing Corporation under the MSV Premium imprint in October, 2009. New readers might feel like they've stepped into the middle of the story. Technically, you have :) ...