Chapter 1

2.3K 34 3
                                    


"Rach, tulungan mo mommy mo magbuhat ng iba pang gamit."



"Opo, dad."



Nilapitan ko ang truck na naglalaman ng mga kahon-kahon laman ang mga gamit namin. Pumili ako ng magaan na kahon at dinala ito sa loob ng aming bagong bahay. Hindi namin alam ni mommy na may pinapagawa pala si daddy na bahay. Nakatira lang kasi kami sa apartment noon malapit sa mga lola ko. Sinurprise ni daddy si mommy noong ika-pitong anniversary nila at itong bagong bahay namin ang surprise niya. Si daddy ay nagtatrabaho sa isang malaking kompanya, medyo matagal na rin siyang nagtatrabaho doon kaya siguro siya nakaipon ng pampagawa ng bahay namin. Si mommy naman ay isang lawyer.



Pumasok ako sa loob ng bagong bahay namin at ibinaba ang kahon na dala ko. Inikot ko muna ang buong bahay at pinasok ang mga kwartong wala pang furnitures. Hindi masyadong kalakihan ang bahay namin pero sapat na ito para sa aming tatlo. Sa ibaba ay may isang guest room at isang maliit na kwarto na sa tingin ko ay gagawing office ni mommy. Sa second floor ay may master's bedroom at isang kwarto na sa tingin ko ay akin. Pumasok ako sa kwartong iyon at iginala ang mata ko. May mga palamuti na agad ang kisame ng mga glow in the dark na bituin, buwan, at iba't ibang planeta na makikita sa solar system. Napangiti ako. Kilalang kilala na talaga ako ni daddy, hilig ko talaga ang pagmasdan ang langit lalo na pag gabi. May dalwang bintana sa kwarto ko, yung isa ay yung nakatingin sa labas at yung isa naman ay nakatingin sa itaas na pwedeng ipang stargazing. Tumingin ako sa bintanang nakatingin sa labas at sumilip doon. Nakita ko si mommy na may kausap na babae na kasing edad niya.



Lumabas ako ng bahay para itanong kung sino ang babaeng yon. Noong papalapit ako kay mommy ay napatingin sakin ang babaeng kausap niya. Ngumiti ito sa akin at ipinakilala siya ni mommy,



"Ah, Vivi! Ito na ang anak ko, si Rachel. Rachel si Tita Vivian. Bestfriend ko noong highschool."



"Hello po!" bati ko.



"Hi Rachel! You can call me Tita Vivi! Actually malapit lang ang bahay namin, nasa iisang village lang tayo. Buti nga dito kayo lumipat para naman may kasama na kaming mag anak. Ay! Ipapakilala ko sa'yo ang anak ko! Magkasing edad lang kayo." nakangiting pahayag niya sakin. Maganda si Tita Vivi, mukha siyang dalaga pa at walang anak.



"Wayne! Wayne! Hay nakong bata nasaan na ba iyon." iritadong sambit ni Tita Vivi.



"Kasama ko lang siya papunta sa inyo, baka kung saan na naman nagpupunta yun. Ah Rachel, welcome ka pumunta sa bahay namin ha? Tsaka ko nalang ipapakilala sayo si Wayne, ang likot kasi ng batang yun."



"Sige po! Mommy, maglalakad lakad lang po muna ako."



"Sige anak, uwi ka kaagad ha. Vivi! Kwentuhan muna tayo sa loob!"

THE CASE UNSOLVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon