THE CASE OF THE DISTURBING LETTERS pt. 1
Kinabukasan ay puyat na puyat ako habang naglalakad papunta sa school. Humikab na ako nang humikab. Pero itong si Wayne, mukhang hindi napuyat. Kasi naman, pagkahatid na pagkahatid niya sa akin sa bahay ay hindi agad ako nakatulog. Naeexcite na ako sa sabado! Pati tinapos ko pa yung librong binabasa ko, yung All the Bright Places. Kaya naman madaling araw na ako nakatulog.
"Rach?"
"Hmm?"
"Umiyak ka ba kagabi? Bakit pugto ang mata mo? Tsaka, natulog ka ba?"
"I was up all night reading this book and shet lang ha, hindi ko kinaya yung ending!" I mean it, worth it basahin nung book na binili ko.
"Nagpapaapekto ka sa mga ganyan." Bored na sabi ni Wayne.
"Ipahiram ko sa'yo tapos basahin mo."
"I only read mystery books."
"Sus. Oh! Speaking of mystery, dala mo ba yung letter na dinala sa inyo?"
"Uh, hehe."
"Huwag mo akong ma-hehe, nakalimutan mo? Tara balik tayo sa inyo." Maglalakad na ako pabalik pero biglang umimik si Wayne.
"Malelate na tayo, Rach. Mamaya nalang pag uwi."
***
Help me, Mr. Kent. You're the only detective I can rely on. AM
"AM?" tanong ko kay Wayne.
"It's the sender's name, Aubrey Marasigan."
"Paano mo nalaman?"
"Well, diba nga pumunta ko sa address na nakasulat sa likod nung isang araw. Ang nakausap ko lang ay yung housemaid nila and she said that the only one who has the initials AM living in the house is Aubrey Marasigan, which is the housewife but unfortunately, she has business matters to attend to kaya sa sabado pa ang uwi. Same as his husband who is a novelist." paliwanag niya.
"Ohhh, so what kind of help ba daw?" tanong ko.
