Chapter 4

806 16 0
                                    

Pinagalitan ako ni mommy nung pag uwi ko. Sabi niya huwag ko na daw uulitin ang pag alis nang walang paalam. Gabi pa naman daw at bigla bigla akong naalis. Humingi naman ng pasensya si Tita Vivi at Tito Benjamin kay mommy. Buti nalang si daddy ay tulog na sa kalasingan dahil kung hindi ay baka pinagalitan niya na din ako. Pinagsabihan naman ni Tita Vivi si Wayne na wag na niya tatakasan ang mama nya. Nagkibit-balikat lang si Wayne at sinamaan naman siya ng tingin ni Tita. Si Tito Benjamin naman nakangiti lang.



"Ikaw naman kasi Benj! Lagi mo nang kinunsinte 'tong anak mo."



"Aba, hindi ko kasalanan kung nagmana sa akin ng pagka detective 'tong si Wayne. Diba anak?" Kumindat si Tito kay Wayne at ngumiti naman si Wayne.



"Hay nako kayo talagang mag ama kayo! Palagi nalang kayo nawawala sa paningin ko pag may nakausap lang ako sandali. Lagi nyo nalang ako tinatakasan." Biglang napatungo si Tita. Halata sa mukha ni Tita ang tampo niya. Naalarma naman si Tito Benjamin at agad na nilapitan si Tita. Hinawakan ni Tito ang kamay ni Tita.



"Viv, I'm sorry. Gabi na, uwi na tayo." Nakatitig si Tito kay Tita habang kinakausap niya ito. Nagpaalam na sila sa amin ni mommy at paulit ulit na humingi ng pasensya. Nagbeso si mommy kay Tita Vivi. Umuna na maglakad ang mag-anak. Inakbayan ni Tito Benj si Tita Vivi habang hawak naman ni Tita si Wayne.



"Matulog ka na, Rach. Madaling araw na oh." Humingi ako ng sorry kay mommy. Ngumiti siya sa akin at sinabi na huwag nalang uulitin. Hinatid niya ako sa kwarto ko at hinalikan sa ulo bago siya lumabas.



Humiga na ako sa kama ko at tumingin sa kisame na may bintana. Hindi ko malilimutan ang nangyari ngayon gabi. Ang exciting! Pakiramdam ko tuloy isa na akong detective na katulad nung paboritong basahin at panoodin ni mommy. Para na akong si Nancy Drew! Pero teka, kung ako si Nancy Drew, sino si Wayne? Wala naman akong kilala na lalaking detective. Sana marami pang mga misteryo ang dumating. Sana malutas ulit ni Wayne. Ang saya pala maglutas ng mga misteryo. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala na ako sa sobrang pagod.




"Si Sherlock Holmes"



"Huh? Sino yun?"



"Pinakamagaling na detective sa lahat."



"Eh? Hindi ba tatak yun ng padlock?"



"Huh? Anong tatak ng padlock?"



"Sabi mo kasi Sherlock!"



"Hindi mo kilala si Sherlock Holmes?!"

THE CASE UNSOLVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon