Chapter 2

1.1K 23 0
                                    

"Rach, anak gising na."



Naalimpungatan ako sa paggising sakin ni mommy. 



"Maligo ka na anak. May dadating tayong mga bisita."



Nagmulat ako ng mga mata at nakita si mommy na inaayos ang mga nakakalat kong mga laruan. Isa-isa niya iyong nilalagay sa sa lalagyan. Pagkatapos noon ay hinarap niya ulit ako at sinabihang bumangon na at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko. Nag inat ako at tsaka bumangon. Tumayo ako sa aking kama at tsaka inayos ang mga unan at kumot. Dumiretso na ako ng banyo at nagsimula ng maghilamos at magsipilyo. Naligo na din ako. Pagkatapos ko maligo ay umakyat ulit si mommy para pumili ng susuotin ko. Isang simpleng dress ang pinili niya. 



"Mommy, sino po ba ang bisita natin?"



"Mga katrabaho ni daddy mo anak, nagpahanda si daddy mo dahil sa bagong bahay natin."



Sabay kaming bumaba ni mommy at nakita ang iilang mga katrabaho ni daddy. Panay ang bati nila kay mommy at ang puri sakin, na kamukhang kamukha ko daw si mommy at kasing ganda. Ngumingiti nalang ako sa kanila. Maraming mga putahe ang inihanda nina daddy. Simula umaga hanggang hapon ay panay ang dating at alis ng mga bisita. Pumunta ako dun sa aming sofa at tumingin at tumingin sa labas ng bintana. Wala naman akong makausap kasi wala namang mga bata dito. Wala akong makausap. Nakaramdam ako ng pagka inip. Tumayo at lumapit kay mommy. 



"Mommy, lalabas po muna ako. Maglalakad lakad lang."



"Sige anak, pero dito lang sa loob ng village ha? Bilisan mo lang kasi mamaya maya ay dadating na sina Tita Vivi."



Tumango ako kay mommy at lumakad na palabas ng gate namin. Sa aking paglalakad ay pinagmamasdan ko lang ang mga nasa paligid katulad ng mga puno, mga malalaking bahay, at yung nakakatakot na bahay. Mapuno ang Ryota Village kaya mahangin dito. Napatigil ulit ako sa tapat ng nakakatakot na bahay at pinagmasdan ulit ito. Nagpunta na kaya ulit si Wayne dito? Lumingon-lingon ako sa paligid pero walang tao. Nagsimula na ulit akong maglakad. Pabalik na ulit ako ng bahay nang makasalubong ko si Wayne na naglalakad sa direksyon ko na nakasuot ng suit and tie tapos shorts at rubber shoes.



"Ang hilig mo maglakad lakad, no? Galing ka ulit doon sa lumang bahay?" tanong niya.



"Ah, hindi. Napadaan lang. Saan ka galing?"



"Sa bahay niyo. Tinanong kita sa mommy mo pero sabi niya umalis ka daw kasi maglalakad lakad ka."



"Ah, sige tara na babalik sa bahay."

THE CASE UNSOLVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon