We stayed at the beach resort for three days and two nights. Pagkatapos ng kaso ay wala nang nangyaring kaguluhan kaya naman inenjoy nalang namin ang pagsswimming maliban nalang kay Wayne, mahapdi kasi pag nababasa ng tubig-dagat yung sugat niya kaya naman minsan buong araw nasa kanya ang cellphone ko at pilit nilalampasan yung highscore ko sa 10!10! o kaya ay nagbabasketball kasama ang mga kaklase kong lalaki.
Marami rin akong nagawa at natutunan nung bakasyon. Inimbita kami ng pamilya ni Wayne na sumama sa kanila at pumunta sa isang isla pero dahil workaholic parehas ang aking mga magulang ay ako nalang sumama sa kanila para na rin daw hindi ako ma-bored sa bahay kasi ako lang naman mag-isa dahil buong araw nagtatrabaho si mommy at daddy.
Sa isla na pinuntahan namin ay may shooting range kung saan doon nagtetraining kung paano bumaril. Hindi ko alam na lagi palang napunta doon sina Wayne kaya may alam si Wayne sa paghahandle ng baril. Tinuruan din kasi siya noon ni Tito Benj. Kaya noong nagpunta kami doon ay ako ang tinuruan ni Wayne. Mabilis akong natuto dahil na din pinagtyagaan ako ni Wayne kahit nung una ay medyo kinakabahan ako.
Nagdaan ang bakasyon at unang araw na naman ng pasukan. Sabay kaming pumasok ni Wayne at tiningnan ang bulletin board kung saan nakalagay ang listahan ng mga sections. Nakasalubong namin si Stacy kaya naman sumabay siya sa aming paglalakad. Walang tigil sa kakekwento si Stacy sa kanyang naging adventures noong bakasyon kaya nakikinig lamang ako sa kanya. Si Wayne ay nasa likod namin at bored ang kanyang ekspresyon.
"Grade 10 - Saint Rita.. hmm.. ayun! Magkaklase pa rin tayo!" wika ni Stacy.
Hinanap ko ang pangalan ko at naramdaman kong tumabi sa akin si Wayne. Hinanap niya din ang kanyang pangalan.
"Bes, tara na!" hinigit ako ni Stacy mula sa bulletin board at nagsimula nang dumami ang mga estudyante roon. Pagkadating namin sa bago naming classroom ay parang wala naman masyadong nagbago sa mga kaklase ko, sila pa din yung kasama ko last year. Humanap ako ng aking mauupuan pati na rin si Stacy. Wala na kaming makitang bakante na dalawang upuan na magkatabi kaya naman si Stacy ay umupo sa katabi ng isang babae samantalang ako naman ay sa likod lang niya.
"Hi, Rachel."
Nagulat ako kung sino ang katabi ko.
"Clark!" ngumiti ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi ngayon ko lang naman siya nakaklase at noong may play lang kami nagkakilala.
"Wow." Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko!
"Mabuti nalang tinabihan mo ako, wala ako masyadong kilala sa section natin e."
Kinulbit ko agad si Stacy at ipinakilala si Clark.
