Chapter 5

689 17 2
                                    




Kinagabihan, sinundo kami ni mommy ni daddy sa bahay nina Wayne. Sabay dating din ni Tito Benj. Nakibalita muna si mommy. Ang sabi ni Tito Benj ay nahuli nila ang tatlong masasamang lalaki, mabuti nalang daw nakita ni Wayne ang plate number at agad na tumawag sa kanya. Sumulyap naman ako kay Wayne at nakita kong seryoso siyang nakikinig sa papa niya.



"Matagal na silang hinahanap ng mga pulis. Madami na silang nabiktima. Lagi silang nagpapalit ng sasakyan kada may natatapos silang gawin na pagnanakaw. Mabuti nalang nung tumawag sa akin si Wayne hindi pa sila nakakapagpalit at nung nagpadala ako ng mga pulis ay malapit pa sila dito sa Ryota Village." Sumulyap si Tito Benj kay Wayne at kumindat. Ngumiti naman si Wayne. Napangiti rin si Tita Vivi sa mag-ama.



Nagpaalam na kami sa kanila. Humawak ako sa kamay ni daddy habang naglalakad pauwi.



"Anak, paano ba kayo napapunta nung kaibigan mo sa pinakadulong parte ng village?" Napaangat ako ng tingin kay daddy.



"Ah, eh ano po. Inunahan ko po kasi si Wayne sa pagba-bike. Tsaka, ngayon ko lang din po kasi naikot ang buong village hindi katulad nung una na naglalakad lakad lang ako sa malapit." Sagot ko kay daddy. Tumango naman siya.



"Basta anak, be careful next time ha? Huwag kung saan-saan pupunta lalo na't bago palang tayo dito."



"Opo, daddy." Napatingin naman ako kay mommy na nasa gilid ko.



"Malapit na ang first day of school mo, Rach. Naeexcite ka na ba?" Tanong sakin ni mommy.



Umiling ako. Natatakot akong pumasok kasi wala naman akong kakilala dito, si Wayne lang. Nahihiya akong makipag kaibigan. 



Lumipas ang ilang linggo, walang masyadong nangyari. Madalas bumisita si Tita Vivi sa bahay namin, at laging kasama si Wayne. Palagi lang kami nanonood ng T.V. ni Wayne. Isang araw, may napanood kaming anime. Tungkol siya sa isang highschool na detective pero naging bata siya kasi pinainom siya ng gamot. Halos araw-araw kada pumunta si Wayne sa bahay namin ay yun lang ang ginagawa namin. Lagi kaming nagpapaunahan sa paghula kung sino ang killer bawat palabas, mas madalas na tumatama ay si Wayne. 




"Ah, Wayne, papasok ka na din ba sa school?" Tanong ko kay Wayne.




"Oo." Simpleng sagot niya.



Hindi ako sumagot. Iniisip ko pa din kung paano ako makikipag kaibigan. Paano kung hindi parehas ang pasukan naming school ni Wayne? Lalo na 'kong nawalan ng kakilala.



"Parehas daw tayo ng school na papasukan."



"Ha?" Napatingin ako kay Wayne.



THE CASE UNSOLVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon