THE MYSTERY OF THE SCREAMING WOMAN pt. 1
Saturday
Maaga akong gumising ng umaga para pumunta sa bahay nina Wayne. Balak ko pang doon tumambay buong araw kasi umalis sina mommy at daddy kaya maiiwan akong mag-isa sa bahay. Pagdating ko kina Wayne ay nakita ko si Tita Vivi na nagdidilig ng mga halaman. Nakita naman niya agad ako.
"Good morning, tita!" bati ko.
"Oh Rachel, ang aga mo ah. Tinext na ako ni Erika, dito ka na maglalunch at hapunan ha."
"Sige po. Nasaan po si Wayne?"
"Tulog pa sa taas, akyatin mo na at ikaw na ang manggising." sabay kindat ni Tita sa akin.
Nagpasalamat ako sa kanya at dire-diretso na sa loob ng bahay. Umakyat ako sa taas at hindi na nag-abalang kumatok papasok sa kwarto ni Wayne. Naabutan ko siyang nakahiga sa kama at nagbabasa ng libro. Gising na naman pala. Tumingin siya sa akin.
"Wow. You're early." sabi niya sa akin sabay sarado ng libro.
"And your room is such a mess!" hindi ko mapigilang mairita kasi naman, nagkalat ang mga libro at mga t-shirt niya. May book shelves naman siya, ganon ba kahirap magbalik ng libro pagkatapos gamitin? Hay boys. Nagsimula na akong kolektahin ang mga libro niya. Bata palang kami makalat na talaga si Wayne at ako ang naglilinis. Hindi kasi ako mapakali sa isang lugar lalo na pag makalat. Nakakairita ba. Tinitigan naman ako ni Wayne.
"Baka naman gusto mo nang maligo at mag-ayos no? May dadating na kliyente mamaya diba?" sabi ko sa kanya.
Napasapo ang kamay niya sa kanyang mukha. "I forgot to text you last night." sabi niya.
"What? Why?" nagtatakang tanong ko.
"Pumunta na yung kliyente dito kagabi. She said that we should go to her house today, and she wants us to stay just for one night."
Nakikinig ako sa kanya habang nag-aayos ng mga libro niya. "Bakit daw? Bakit kalangan dun tayo matulog?"
"I don't think magugustuhan mo ang problema niya." natatawang sabi niya.
**
"Whaaaaat?! May multo sa bahay niya?" gulat na tanong ko habang nakain kami sa kanilang dining room. Ngayon palang nagbebreakfast si Wayne kaya nakikain na din ako.
Ngumuya muna si Wayne bago sumagot. "Yes. Tatlong gabi nang sunod-sunod na may nangyari sa bahay nila. The first night, saktong 12:00 may narinig silang sumigaw na babae. Hinanap nila kung sino yung sumigaw pero wala silang nakita. The second night, nag-CR ang lola niya ng madaling araw at may nakitang babaeng naka puti sa may salas. Sumigaw ng malakas si lola dahilan para magising ang tatlo niyang mga apo pero biglang nawala yung babaeng nakaputi bago pa man makita ng tatlo niyang apo. And the third night, may narinig ulit silang sumigaw. Same time, 12:00 ng madaling araw and hindi pa rin nila nahanap kung sino ang yon."
Well, this is an unusual case. I'm having second thoughts kung sasama pa ba ako o hindi na. Aaminin kong duwag ako sa mga ganito lalo na't may 'multo' na involve but then again, nacucurious ako.
"Having second thoughts?" nakangising tanong ni Wayne sa akin. Palibhasa alam niyang duwag ako.
"No! S-sama pa din ako. Para saan pa ang pagiging mystery partners natin diba."