"Good bye children! See you all tomorrow."
"Good bye and thank you teacher!"
Nagbabye sa akin si Stacy at nag promise naman ako na dadalhin ko bukas ang barbie ko para makapaglaro kami. Nakita ko siyang sinundo na nang driver niya at sumakay sa kanilang sasakyan. Palabas na ko nang classroom para hanapin si mommy pero sinalubong ako ni Wayne.
"Rachel, sabay na daw tayo umuwi sabi ni Tita Erika. Hindi ka niya masusundo kasi may pupuntahan sila ni mama."
"Eh?"
"Bago ako pumasok sa room kanina kinausap na ko ng mommy mo, isabay daw kita pauwi. Saulo ko ang daan, huwag kang mag-alala."
Pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na siya. Inayos ko naman agad ang aking gamit. Paglabas ko ng classroom ay nakita ko siyang nakaupo at naghihintay sa may labas. Pagkakita niya sakin ay inaya niya na kong maglakad. Tahimik lang kami habang naglalakad. Pag kasama talaga si Wayne ay napapatahimik nalang ako. Baka kasi pag umimik ako ay mali na naman. Ganon ang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya. Para kasing hindi siya bata kung umasta. Feeling niya matanda na siya pero magkasing edad lang naman kami.
"Bakit ang tahimik mo?"
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin na parang nagtataka.
"Ah, eh, wala hehe."
Nakita ko siyang ngumiti pero agad na nawala iyon. Bigla nalang siyang nagkwento tungkol sa mga mystery books na nabasa niya na. Puro si Sherlock Holmes ang kinukwento at ako naman itong manghang mangha sa mga kinukwento niya. Alam na alam niya ang buong detalye. Nakikinig lang ako sa mga kinukwento niya. May kadaldalan din naman pala itong si Wayne. Akala ko kasi napaka suplado niya at walang pake sa mundo. Pero pag dating sa mga detective stories ay dun mo makikita kung gaano siya kaintresado at kasaya sa mga nababasa niya. Nang makapasok na kami sa Ryota Village, nahagilap ko ang isang ice-cream vendor. Hinila ko si Wayne papalapit sa vendor at natigil ang pagkukwento niya. Tumakbo kami papalapit sa vendor.
"Manong, isa nga pong cheese flavored ice-cream! Ikaw Wayne, anong gusto mong flavor?"
"Cookies n' cream."
Narinig ni manong ang gusto ni Wayne kaya hindi ko na inulit pa. Kukuha na sana ako ng pambayad nang biglang mag abot si Wayne ng pera kay manong.
"Bayad po, dalawa."