Chapter 11

524 13 0
                                        

Saktong alas-sais ay dumating ang mga magulang ni Wayne para sunduin kami. Bago umalis ay nagpasalamat si Mrs. Marasigan sa amin lalong-lalo na kay Wayne.



"Walang anuman po, Mrs. Marasigan." nakangiting sabi ni Wayne.



"Maraming salamat po sa lahat, Mrs. Marasigan. And we're sorry for your loss po." pahayag ko.



Ngumiti siya nang malungkot sa amin. Paulit-ulit siyang nagpasalamat sa amin hanggang makasakay na kami sa sasakyan. Si Tito Benj ang nagdadrive at kasama si Tita Vivi. Binati ko sila at kinamusta naman kami. Si Wayne ang panay na sumasagot sa mga tanong nila. Sa sobrang antok ko ay nakatulog agad ako.



"Ibili mo nalang din ako Ma, hindi ako makagalaw e. Chicken nalang Ma kay Rachel. Samahan mo na din ng fries." 



"Sige anak. Bakit ba hindi ka matulog muna dyan? Medyo malayo pa tayo."



"E-eh.."



Naalimpungatan ako. Naramdaman ko ang ulo ko na nakasandal sa isang balikat. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang mukha ni Wayne na sa kabilang side naka tingin at iwas-iwas na sa akin. Agad akong umayos ng upo at inayos ang mukha ko. 



"Hi, Rachel!" bati sa akin ni Tita Vivi at ngiting-ngiti nakatingin kay Wayne. Napansin kong nakatigil kami sa tapat ng KFC.



"Nasa CR si Tito Benj mo, magtetake out sana ako kasi ayaw ka ipagising ni Wayne e. Pero dahil gising ka na, tara muna kumain sa loob. Sunod nalang kayo ha?" lumabas na ng sasakyan si Tita Vivi at pumasok sa loob ng KFC. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras. Mag-aalas nuebe na pala. Napatingin ako kay Wayne na humikab.



"Buti naman nagising ka na, ang bigat ng ulo mo." pag rereklamo niya.



"Hindi ka ba natulog kanina sa byahe?" tanong ko.



"H-hindi." sabay iwas ng tingin sa akin at namumula. Ano na naman kaya ang problema nito?



Pagkatapos ng isang oras ay nakarating na rin kami sa Ryota Village. Kinamusta naman kami ako ni mommy at daddy. Sinabi ko ay okay lang at hindi ko lahat kinwento ang part na may na murder. Naalala ko na naman yung nangyari. Pinili kong hindi ikwento kasi baka hindi na ako pasamahin sa mga lakad ni Wayne. Aaminin ko, seeing Wayne solving a case is worth it. Kitang kita mo ang mga ngiti niya pag nalaman niya kung sino ang culprit. Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami, yung akala naming haunted house. Nakita ko na dun ang pagiging matapang niya. I'll never forget this case, about the disturbing letters. Kasi alam ko, dito magsisimula si Wayne. Makikila siyang bilang isang magaling na detective.



Dumating ang lunes, nasa classroom ako at habang wala pa ang teacher ay kinukwento ko kay Stacy ang aming "adventure" ni Wayne. Nakikita ko sa mukha ni Stacy ang pagka mangha. Marami itong tinatanong tulad ng ano daw pakiramdam makakita ng corpse o kung thrilling daw ba talaga. Kumalat sa school ang balitang iyon. Sinabi kasi ng Police District doon sa aming Police District ang nangyari. Siguro gusto talaga nilang makilala si Wayne. Sumikat na din ang tawag sa kanyang "Deduction Prince" and I can't help but laugh everytime na makikita kong napapa cringe si Wayne. 



Bigla na lamang tumahimik ang mga kaklase ko na hudyat na pagdating ng aming guro. Nakita ko naman si Wayne na nagising at nag ayos ng upo. Mukhang puyat na naman siya kakabasa ng mga mystery novels.



"I have an announcement to make class. This year ay magkakaroon ulit tayo ng play and ang play na gagawin ay Cinderella. Open ang auditions sa lahat ng Grade 9 and Grade 10 students. Magsisimula ang auditions mamayang 3:00 to 5:00. Malinaw ba class?" 



"Yes ma'am."



"Oh, and Ms. Santinel. I'll be expecting na mag-aaudition ka." ngumiti si ma'am sa akin.



"Yes ma'am!" ngumiti din ako sa kanya.



Have I mention na I really really love acting? Isa sa mga pangarap ko ang maging sikat na artista. Maliban sa pagiging astronaut, (yes astronaut, sa sobrang hilig ko sa stars, planets and galaxies.) na alam kong imposible, pangarap ko din maging parte ng industriya. And hell yeah, mag-aaudition talaga ako mamaya. Last year ang play is Snow White and I got the lead role. Marami ang nag congratulate sa amin kasi ang galing at ang linis ng play namin. Kinulbit ako ni Stacy at sinabing sigurado na siya na ako ang makakakuha ng lead role. Ngumiti lamang ako sa kanya.



Shorten ang class namin gawa ng pag-aaudition at gawa na din ng practice ng mga varsity sa kanya kanyang sports. Si Stacy ay kasabay ko papunta sa auditorium at sabi niya ay panonoodin niya daw ang mga mag-aaudition.



"Good luck bessy!" sabi sa akin ni Stacy bago ako umakyat ng stage. gumiti naman ako sa kanya. Binigyan kami ng Instructor ng tig-iisang kopya ng mga lines at ang gagawin namin ay iimikin iyon with voice emotion. Napansin kong madaming nag-aaudition ngayon unlike last year. Kinabahan tuloy ako. Mas lalong kumalabog ang puso ko nang marinig ko tawagin ang pangalan ko na hudyat na ako na ang mag-aaudition. Oh well, here it goes.



**



Tumingin ako sa aking relo at nakitang mag-aalas-singko y media na. Excited akong tinawagan si Wayne. Nandito ako ngayon sa guard station at nagbabaka sakaling nasa loob pa si Wayne. Pipindutin ko palang ang call ng biglang may dumapo sa mukha kong basang towel. Agad kong tinanggal yon.



"No need to call me, Rach." bati sa akin ni Wayne.



Binato ko ang towel niya sa kanya.



"Kadiri ka naman! Mambabato ka na nga lang ng towel yung basa pa. Basa pa ng pawis mo." inis na wika ko. Pero in fairness, hindi mabaho. Tumawa ng nakakaloko si Wayne at inaya na akong umuwi. Napansin kong bagong shower lang siya. Kaya mukha pa rin siyang fresh kahit galing practice. Muntik ko nang malimutan ang sasabihin ko sa kanya.



"Hey Wayne! Guess what.."



"You got the lead role?" pag putol niya sa akin. 



"Yes!! Wait, paano mo nalaman?" nagtatakang wika ko.



"Nakita kitang nakangiti habang tatawagan ako. And I saw you na kalalabas lang ng auditorium with a big smile. Syempre yun lang and dahilan, you got the lead role. Congrats for that." 



"And how did you know na ikaw ang tatawagan ko?" tanong ko.



"Syempre. It can't be Stacy kasi pinanood ka niya kanina at siya ang unang makakaalam. At nauna siyang umuwi." paliwanag niya.



Napangiti ako. "Ikaw na, ikaw ang Deduction Prince!" 



Nakita ko ang kakaibang reaksyon ng mukha ni Wayne. Natawa ako. "Rach naman. Don't call me that." iritadong sabi niya. Pagkapasok namin ng Ryota Village ay namataan ko ang ice-cream vendor. Agad 'kong hinila si Wayne at bumili kami ni ice-cream. Kilala na kami ng vendor dito, simula kasi nung mga bata pa kami siya na ang nagtitinda dito. Umupo muna kami sa isang bench at tahimik na kinain ang ice-cream namin.



"Kailan ang start ng rehearsal niyo para sa play?" biglang tanong ni Wayne.



Napatingin ako sa kanya. "Next week pa. Bakit?"



"Nagtext sa akin si Mama kanina, may pumunta daw na babae at hinahanap si Papa."



Natigilan ako. "Another case?"



"Looks like it. Pinapabalik ni Mama sa saturday kasi hindi pa niya alam kung kailan ulit ang uwi ni Papa kaya ako muna ang kakausap." sagot niya.



Lumawak ang ngiti ko. "Another case for the mystery partners!" Tumawa naman si Wayne. 



"Pupunta ako sa inyo sa saturday ha, I wanna know what's the case!" excited kong sabi ko sa kanya.



And I knew it. This is the start. More cases will come.





THE CASE UNSOLVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon