THE MYSTERY OF THE SCREAMING WOMAN pt. 2
After we finished our dinner, nag kanya-kanya kaming punta sa aming kwarto. Bumaba muli ako sa aking kwarto para mag shower dala ang aking pamalit na damit. Iisa lang ang banyo at yun ay malapit sa may kusina. Pagkatapos ko mag shower ay umakyat na ulit ako sa aking kwarto. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama habang nag-lalaro ng 10!10! sa aking cellphone nang biglang may kumatok sa pinto. Agad akong tumayo at pinagbuksan ang kung sinumang kumatok at bumungad sa akin si Wayne na nakapajama at nakasando na pinatungan ng jacket, at mukhang bored. May ipinakita siya sa aking baraha. Napangiti ako.
"So, you're bored huh?"
"Super. And besides, hindi talaga ako matutulog ngayon. I'll be waiting for the appearance of that screaming woman or whatever." binuksan ko ang pinto at dire-diretsong pumasok doon si Wayne. We used to play cards. Ang pinakapaborito namin ay ang tongits, ang kauna-unahang nilaro namin sa cards dati pa. Hindi ko na tanda kung paano kami natuto nito o kung sino ang nagturo nito. Whenever we're bored we play this game. Mabuti nalang at nagdala ng cards si Wayne. Mahilig din kasi ito sa poker, pusoy dos, and the such.
Nagsimula ng magbalasa si Wayne.
"So, you're not sleeping? Plano mong makipaglaro sa akin ng tongits buong gabi, ganon?" tanong ko.
"Of course not. You can sleep if you want to sleep. I'm planning to stay here in your room. I'll play solitaire or your favorite game on your phone."
"Bakit dito ka magsstay sa kwarto ko?"
"Who knows, mamaya pasukin ng culprit ang kwarto mo. I won't take that risk." parang wala lang na sabi ni Wayne and yet it made me, well, blushed. He is Wayne, the overprotective since childhood. Well, siguro kaya siya ganon kasi magkaibigan kami. He never fails to amaze me kahit sa maliliit na bagay.
We started playing and we really enjoyed it. Hindi namin namalayan na mag-aalas onse y medya na ng gabi. Hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok and somehow gusto kong samahan si Wayne sa kanyang sinasabing "walang tulugan". Sabagay, we're mystery partners kaya para saan pa kung hindi ko siya sasamahan. Although nainis talaga ako sa sinabi niya kanina, I'm still planning to prove myself na kaya ko din mag solve ng mga cases tulad niya. So, I'm planning to stay up all night with him and wait for the appearance of the err, the woman in white or whatever. Medyo natatakot pa rin kasi ako.
"Mag-CCR lang ako, Wayne." pagpapaalam ko at tumayo na mula sa kama. Tumango lamang ito at tila nag iisip kung anong next move ang gagawin niya. "And don't you dare look at my cards!" pahabol kong sabi bago bumaba patungo ng CR.
Patay na ang ilaw sa hallway at living room kaya ginamit ko ang phone ko bilang flashlight. Sa wakas ay nakapunta na rin ako sa CR at inilabas ang dapat ilabas. Pagkahugas ko ng aking kamay ay pinatay ko na ang ilaw sa CR. Paglabas ko ay nagulat ako ng biglang may humablot sa akin at tinakpan ang aking bibig. Hindi ko maaninag kung sino yon. Balak kong ilawan ang kung sinumang humablot sa akin pero bago ko maitapat ay hinampas niya ang aking kamay at tumalsik ang phone ko. Marahas niya akong inihiga at naramdaman ko ang malamig na tiles na sahig sa aking likuran. Sinubukan kong sumigaw pero naramdaman ko ang kanyang mga kamay sa aking leeg. Nawawalan na ako ng hininga sa higpit ng kanyang hawak. Sinubukan kong tanggalin ang kanyang kamay gamit ang aking mga kamay pero no use. Mas malakas siya sa akin. Gamit ang aking natitirang lakas ay buong lakas ko siyang sinipa at hindi ko alam kung saan iyon tumama. Naramdaman ko siyang tumayo at tumakbo ng mabilis. Sa wakas ay nakahinga din ako ng maluwag at buong lakas na sumigaw.