Madilim..
Patuloy akong naglalakad kahit hindi ko alam kung saan ako papunta.
Nakaramdam ako ng malakas na simoy ng hangin.
Nakita ko ang taong matagal ko nang hinihintay. Nakaramdam ako ng matinding lamig.
Nakatalikod siya sa akin.
"Wayne?"
Dahan-dahan siyang humarap. Malungkot ang kanyang mukha samantalang hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.
"I'm sorry, Rachel."
Unti-unti siyang lumayo, nararamdaman ko ang paninikip ng dibdib ko.
Aalis na naman siya? Kakakita ko palang sa kanya! Hinabol ko siya nang hinabol pero kahit anong gawin ko hindi ko siya maabot.
Wayne..
WAYNE!
"Huy!"
Napabalikwas ako ng upo ng gisingin ako ni Lau mula sa aking pagkatulog.
"Kanina ka pang umiiyak habang tulog. Okay ka lang?"
Naramdaman kong basa nga ang aking mga mata. Binigyan ako ng tissue ni Lau at tinanggap ko naman iyon. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat.
"Nasaan na tayo?" tanong ko sa kanya.
"Medyo malapit na." sagot niya.
Nakasakay kami ngayon sa isang bus patungo sa headquarters nila. Alas singko palang ay umalis na kami sa amin. Nag wig ako, nakasalamin, at naka sumbrero para walang makakilala sa akin. Sanay na ang akong magtago ng aking mukha tuwing lalabas.
Maya-maya ay tumigil na ang bus at inaya na ako ni Lau na bumaba. Hindi ko alam kung nasaang parte na kami ng Pilipinas basta ang alam ko nasa isang probinsya kami. Sa medyo magubat kami ibinaba nung bus kaya naman naglakad kami bago pa makapunta sa kanilang headquarters.
Pagkatapos nnang mahaba-habang lakad ay kanilang headqarters. Hindi ito halata bilang kanilang HQ dahil mukha itong lumang-luma at walang nakatira. Talagang nasa gitna ito ng kagubatan. Medyo malaki din ito.
Kumatok ng tatlong beses si Lau sa malaking pinto at binuksan naman iyon ng mga armadong lalaki. Nanginig ako nang makita ang dalawang lalaki may hawak ng baril. Malaki ang pangangatawan ng dalawang lalaki. Seryoso ang kanilang ekspresyon.
"Hi! I'm baaaack!" masayang wika ni Lau sa dalawang lalaki. Walang reaksyon ang dalawang lalaki sa bati ni Lau. Yung isa ay nakatingin sa akin ng diretso at napansin naman agad ni Lau yon. Tumingin sa akin si Lau at sumenyas na alisin ang aking disguise. Ginawa ko iyon at pagkatapos ay kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata nila.
"Siya iyong sikat na artista, diba?" wika nung isang lalaki.
"Yup! The famous Rachel!"
"Anong ginagawa niya dito?"
"She's my new recruit."
Hindi makapaniwala ang dalawang lalaki sa sinabi ni Lau. Hinigit ni Lau ang aking kamay papasok sa loob. Madalian niya akong ni-tour sa loob ng HQ nila. May nakita akong ibang nagtetraining at yung iba naman ay nasa shooting range.
"Mag-uundergo ka din mamaya ng training pero ipapakilala muna kita sa aming pinaka leader."
Tumango ako sa sinabi ni Lau. Ang iba siguro matatakot kapag nandito. Halos lahat ng makasalubong namin ay may hawak na at seryoso ang mukha. Lahat ng makasalubong namin ay binabati ni Lau at lahat naman ay tango lang ang isasagot sa kanya pagkatapos ay magtatakang titingin sa akin. Sa tingin ko ito lang ata ang masayahing FBI at pinaka bata.
