Chapter 19

471 13 5
                                        

NOT AN ORDINARY SUICIDE



Months passed, at wala naman masyadong nangyari. Parang normal na sa akin ang linggo-linggong  kasama si Wayne sa tuwing may mga kliyente siya. Hindi na ulit siya nagkekwento ng tungkol sa Papa niya, o siguro hindi niya lang talaga panapakita sa akin ang pag-aalala niya. 



"Good morning, Saint Rita class."



"Good morning, Ma'am Diane!" bati namin sa aming guro.



"I have many announcements to make so lend me your ears." mataman kaming nakinig sa aming adviser na nasa harap.



"As you all know, next month is the celebration of the English Club and the Book lover's Club. I expect all of you to participate to all of the activities na gagawin kasi kukuha din ako ng points niyo doon base sa pag attend niyo sa mga programs and to your co-curriculars. And of course, dahil hindi natuloy ang last year na Play because of some problems.."



I remembered Sir Herrera at yung ilang buwan akong pilay. Hindi na masyado kinalat ang nangyari sa insidenteng yon. Gumawa nalang ng dahilan ang Principal namin kung bakit hindi natuloy yung Play. 



"This year, magkakaroon na ulit ng Play. One of my favorite William Shakespeare's story, A Midsummer Night's Dream. And I'll be the Teacher-in-Charge for this play. Wala nang magaganap na audition, dahil nga hindi natuloy ang last year's play, napagdesisyunan namin na yung lead actor and actress last year ay ang magiging lead pa rin gagawing play next month."



"Ms. Santinel and Mr. Kaede, right?" 



"Yes, Ma'am!" Magkapanabay naming sagot ni Clark kaya naman kinantiyawan kami ng mga kaklase namin.



"Naks bagong loveteam na ba ituuu?"



"Pareng Clark, panuntok na daw kayo ni Pareng Wayne oh hahahahaha!"



"Hashtag WayneChel pa din!"



ANO BA NAMAN 'TONG MGA KAKLASE KO. Ang gagaling sa mga ganitong bagay. Nararamdaman ko ang mukha kong sobrang pula na ngayon. Katabi ko pa naman si Clark. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa harap. Patuloy pa rin ang mga kaklase ko sa mga pangangantiyaw nang biglang tumahimik ang lahat nang biglang tumahimik din ang adviser namin.



Well, ganyan siya. Pag maingay ang klase tatahimik lang at pag napansin namin na natahimik na ang adviser namin ay tsaka din kami tatahimik.

THE CASE UNSOLVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon