BLOODY VALENTINE'S DAY
Maya-maya ay nakadating na kami sa bahay. Agad akong iniupo ni Wayne sa aming living room at ikinuwento niya sa mommy ko ang nangyari. Si daddy ay nasa police station parakasuhan Sir Herrera dahil sa ginawa sa akin. Sabi ni mommy ay kilala niya nga daw si Sir Herrera dahil ang anak nito ay napatunayang guilty sa lang rape. Hindi lang daw talaga matanggap ni Sir Herrera ang sinapit ng anak kaya nagka ganoon. Maya-maya ay umalis na din si Wayne at nagpasalamat naman si mommy sa paghatid niya sa akin.
Kinaumagahan ay masakit pa din ang binti ko at hindi rin ako makalakad kaya hindi muna ako pumasok. Hinanap ko ang cellphone ko at nakita ang iilang mga text don.
From: Wayne
I'm going to school now. Just take a rest for the whole day.
From: Stacy
Bes!! I heard what happened huhu okay ka na ba? :( Pupunta ako sa inyo mamaya bago umuwi!
From: 0927*******
Good morning, Rachel. I heard the news. Are you okay now? Cancel na yung play natin.
P.S.
Don't creep out. I got your number from the list of members from the play.
CK
I smiled as I was reading messages from my friends. Isa-isa ko silang nireplyan.
To: Wayne
Pupunta kami ni mommy at daddy mamaya sa ospital para ipa-check up yung sugat ko.
To: Stacy
Okay na ako bes. See u later!
Bago ko replyan si Clark ay ni-save ko muna ang number nito.
To: Clark
Hi, Clark! Yes, I'm fine now. Talaga? Sayang naman pero hayaan na natin may susunod pa naman.
Maya-maya ay agad na may nag reply sa akin.