Chapter 29

437 13 0
                                    

EMMANUEL WAYNE KENT'S POV (First and Last)

I have been eyeing this so-called haunted house for a week now. Nandito lang ako palagi tuwing hapon, nagtatago sa likod ng puno. Maraming nagsasabi na may multo daw dito tuwing gabi. Si papa ang nagkwento sa akin at naging intresado kami parehas dito. As a detective, hindi kami naniniwala sa multo. Ang multo ay kathang isip lamang ng mga tao. 

Maya-maya ay may nakita akong babaeng naglalakad at tumigil sa harap lumang bahay. Kita sa kanyang ekspresyon na natatakot ito pero nagulat ako nang subukan niyang pumasok dito. Agad akong lumabas para pigilan siya kasi ayon sa deduction ni papa, maaaring masamang tao ang napunta sa gabi.

Nakita kong nagulat ang mukha ng babae sa paglapit ko sa kanya. Kita kong nahihiya siya.

"Ah, Hi!" 

Ngumiti siya sa akin. 

Natulala ako. 

This is the first time that I've seen this girl at ngumiti siya sa akin. Agad kong pinilig ang ulo ko.

"Anong gagawin mo? Papasok ka sa loob?"

Delikado dito! 

"Ah, eh, bahay mo ba 'to?"

"Hindi. Pero sabi nila wala na raw nakatira diyan at sabi nila may nagpapakita daw na multo diyan."  

Nakita ko sa mukha niya ang takot. So, she's scared huh? There's no such things as ghost!

Siya pala iyong sinasabi ni mama na ipapakilala niya sa akin na kasing edad ko. Ilang beses niya na sinabi sa akin na may darating daw na kaibigan niya at titira sa aming village.

Hindi ko alam kung bakit tuwing kasama ko siya ay malakas ang tibok ng puso ko. Gustong-gusto kong tinititigan ang kanyang mukha pero natatakot ako na baka mailang siya sa akin. Ginawa ko ang lahat para mainis siya sa pamamagitan ng pagiging malayo sa kanya pero sa tuwing naiinis siya sa akin ay hindi ko naman matiis. I'm just an elementary for effin' sake! Normal ba itong nararamdaman ko?

Lumipas ang panahon, pero hindi nagbago ang tingin ko sa kanya. I always feel comfortable when I'm with her. Inisip ko na na kababata ko siya kaya siguro ako ganito sa kanya. Parang kapatid kumbaga. Naging overprotective ako sa kanya. Tinuri ko siyang parang kapatid.

But then I doubted my feelings noong may nagbigay sa kanya ng flowers noong Valentines. Nakaramdam ako ng matinding inis sa kung sinuman ang nagbigay sa kanya noon. Ang lakas ng kanyang loob! Ako muna ang harapin niya bago niya ligawan si Rachel! Gusto ko ako lang ang lalaking malapit kay Rachel! Gusto ko ako lang!

Normal pa ba ito? Kapatid pa rin ba ang tingin ko sa kanya? And then it hit me. This is not fucking normal anymore. Ever since the day I saw her I knew that I instantly liked her and as the days passed by, I have fallen. Hard.

Everytime na niloloko kami ng mga kaklase namin ay lagi kaming nagdedeny. Pero sa kada deny ko ay may nararamdaman akong kirot sa aking puso. I really really like her, pero paano kung iba pala ang nararamdaman niya sa akin? Paano kung may gusto pala siya doon sa Kaedeng iyon?

We have never talked about our crushes. Lagi kaming magkausap pero hindi sumagi sa topic namin ang tungkol sa mga crush. We always talked about detective stories and such.

I have always wanted to confess my feelings for her, but I always felt scared. Takot na baka hindi masuklian ang nararamdaman ko. Ayos na sa akin iyong lagi ko siyang kasama.

Isang umaga, nag-aayos ako para sa play ni Rachel nang biglang narinig ko si mama na naiyak. Agad ko siyang pinuntahan at nakita siyang naluha habang hawak-hawak ang telepono. 

THE CASE UNSOLVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon