Chapter 7

599 20 3
                                        


Pagkadating na pagkadating namin ni Stacy sa beach ay agad kaming nag book sa isang resort na pagmamay ari ng pamilya niya. Oo, mayaman ang pamilya ni Stacy. Sila ang nagmamay ari ng maraming resort na nagkalat sa bansa. Kaya naman madami na akong napuntahan na beach gawa ni Stacy. Sinasama din naman niya si Wayne kaso siya lang naman itong pabebe. 



Agad kaming nagswimming ni Stacy. Hindi ko nasuot ang aking bagong bili na pang swimming. Kasi naman si Wayne, ugh! Nararamdaman kong namumula na naman ako. Nag shorts at at nag sando ako pang swimming. 



Kinagabihan ay kumain kami sa isang restaurant na malapit lang sa beach. Ang sasarap ng mga seafoods. Sobra kaming nag enjoy lalo na si Stacy. Hay, paligiran ka ba naman ng mga lalaki para makipagkilala. Nag order din siya ng wine para sa aming dalawa.



"Hi!"



Napatingin ako sa lalaking lumapit sa table. Nakangiti siya kaya nginitian ko din siya. Napatingin ako kay Stacy na busy pa din makipag kwentuhan sa mga lalaki. Bumalik ang tingin ko dun sa lalaki. Kumuha ito ng upuan at umupo.



"Pwede ba 'kong umupo dito?"



"Nakaupo ka na nga e." Narealize 'kong napalakas ang pag iisip ko!



"Joke lang, hehe." Hay. Gusto ko nang ayain pa kwarto si Stacy pero mukhang nag eenjoy pa siya kausap ang mga lalaki. Nag try magsimula ng converastion yung lalaking kauupo lang sa table ko pero hindi ko masyado iniintindi. Nasagot lang ako pag tinatanong niya ko gaya ng kung highschool lang ba daw ako, etc. Kaya nga ako lumayo sa table ni Stacy e. Hindi ako tulad niya na mahilig sa mga gwapong lalaki. Mabuti nalang dala ko ang cellphone ko kahit papaano nalilibang ako. Kasalukuyan akong naglalaro ng 10!10! nang biglang may nag text.



From: Wayne

Don't drink too much wine, Rach.



Napatingin ako sa paligid ako. Nandito rin ba sa resort si Wayne?



"May problema ba?"



Napatingin ako lalaking nasa harap ko. Muntik ko nang malimutan, may lalaki nga palang umupo sa may table ko. 



"Ah, wala." Ngumiti ako sa kanya.



"Ah mabuti naman. Rachel, diba?"



"H-Ha?"



"I asked Stacy a while ago, sabi niya Rachel daw pangalan mo."

THE CASE UNSOLVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon