Nang makadating kami sa bahay nina Wayne ay mag-aalas kwatro y media na. Pinili ko dito muna matulog kasi wala pa namang tao sa bahay namin. Nagpasalamat kami sa Inspector na naghatid sa amin. Nag text si Wayne na uuwi kami ng ganitong oras kay Tita Vivi kaya siya ang nagbukas ng gate para sa amin. Sinalubong kami ng ngiti ni Tita Vivi.
"Kamusta ang case niyo?" nakangiting tanong niya sa amin.
Walang ni-isa ang sumagot sa amin. Nakita kong sumenyas si Wayne kay Tita kaya binalewala niya ang tanong kanina.
"Rachel dear, doon ka muna matulog sa guest room namin. Inayos ko na ang kama mo doon."
"Sige po, Tita." nagdire-diretso ako papunta sa guest room. Naiwan si Wayne sa may living room habang kausap ang mommy niya.
Pagkapasok ko sa guest room ay may dalawang kama ang naroon. Pinili ko ang nasa kanan at dun humiga. Itinabi ko ang aking cellphone sa may ilalim ng unan ko. Limang minuto na ang dumaan, pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. I was attacked, but not intentionally. Hindi ko maiwasang di isipin ang mga susunod na kakaharapin ni Wayne tuwing lulutas siya ng mga kaso. Hindi pumasok sa isip ko ang mga pwedeng mangyari sa tuwing may mga ganitong pangyayari. You really can get hurt. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at nagkunwari akong tulog at humarap sa kabilang side, yung kaharap ang pader.
"Maybe it's best if you sleep here. Pinrepare ko talaga yung isang kama para sa'yo. Baka mamaya na-trauma si Rachel dahil sa nangyari." narinig ko ang boses ni Tita kahit mahina ito. "Ever since nung mga bata pa kayo, you two were inseparable.
"I don't know Ma, after ng nangyari kanina, I don't want to involve Rachel in my detective works anymore." mahina ngunit rinig kong sabi ni Wayne. "Maybe it's best if I just don't tell her if I have cases."
"Just always be careful, Wayne. You should sleep now." narinig ko ang pagsarado ng pinto at naramdaman ko ang paglapit ni Wayne sa kama ko. Nagtutulog-tulugan pa rin ako. Naramdaman ko na kinumutan ako ni Wayne and I felt his fingers brushed my hair. Maya-maya ay narinig ko nalang ang tunog ng paghiga niya sa kanyang kama.
Napamulat ako. Hindi ko alam pero nang marinig ko ang usapan nilang mag-ina kanina ay mas lalo ko lang ayaw pabayaang mag-isa si Wayne sa tuwing magsosolve siya ng mga kaso. Knowing the possible things that can happen, ayokong may mangyaring masama sa kanya. I decided that I'll be with Wayne no matter what. Nakatulog ako sa pagod.
Maya-maya ay may naramdaman akong nag vibrate sa ilalim ng unan ko. Kinuha ko agad ang aking cellphone at nakitang tumatawag si daddy pero maya-maya ay ibinaba niya ito. Tiningnan ko ang oras at alas otso na pala ng umaga. Nakatanggap ako ng text galing kay daddy.
From: Daddy
We're home, Rach. Uwi ka na din.
Kahit na inaantok pa ako pinili kong bumangon na at umuwi sa amin. Doon na lamang ako babawi ng tutulog. Inayos ko na ang gamit ko at tiningnan si Wayne na mahimbing pa ang tulog. Napangiti ako. Naalala ko dati nung sabay pa kami mag siesta. Lagi kaming nagpapaunahan kung sino ang unang magigising pero si Wayne ang mas laging nauuna sa akin. And seeing him sleeping peacefully ay minsan lamang mangyari. Nag iwan na lamang ako ng post-it note na nakasulat ang paalam ko at idinikit iyon sa noo niya. Paglabas ako ng guest room ay naabutan ko si Tita sa kusina na nagluluto ng almusal. Inaya pa ako ni Tita na kumain muna bago umalis pero sabi ko hinihintay na ako nina daddy sa bahay. Nakita ko din si Tito Benj sa living room na mukhang kauuwi palang. Binati ako ni Tito at nagpaalam sa kanilang dalawa ni Tita na uuwi na.