Chapter 26

394 16 2
                                        

"It's been seven years! Seven years since you left me! At ano, babalik ka dito na parang walang nangyari?!"


"Bumalik naman ako, hindi ba? Yun ang mahalaga!"


"Sa tingin mo ganoon lang kadali iyon? Hindi mo na maibabalik-"


"CUT!"


Napabuntong hininga ako pati na rin yung mga staffs. Paano ba naman, nakakailang-take na kami!


Agad na nag-martsa si direk papunta sa aking leading man.


"What the hell was that, Mr. Patrick?! Ang sabi ko dapat may eye contact pero bakit ba hindi ka makatingin ng diretso kay Ms. Rachel?!"


"Pasensya na direk, hindi talaga ako makapag focus e." sabay ngisi nito. 


Napakunot ang noo ko. Baguhan palang siya kaya siguro nahihirapan. Napabuntong hininga naman si Direk.


"Okay, next time nalang ulit tayo mag-shoot. Mr. Patrick mag-uusap tayo. Oh and by the way Ms. Rachel, great acting!"


Ngumiti ako sa kanya at dumiretso na sa aking dressing room. Pagkapasok ko doon ay nakuha agad ng atensyon ko ang isang bouquet nakapatong sa aking lamesa. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat sa card.


Good luck on your new project, Rach! :)

CK


Napangiti ako. Agad kong kinuha ang aking phone para magpasalamat.


To: Clark

Thank you for the flowers! <3 Heal more patients, Doc!


I pressed send at tinitigan ang aking repleksyon sa salamin sa aking harap. Napatingin ako sa aking suot necklace at hinawakan ito.


It's been what? Seven years. Pitong taon na ang nakalipas mula noong umalis siya.


Hindi ko ba alam kung nananadya si direk kanina at yun ang ibinigay na script sa amin. Sumakto tuloy sa nararamdaman ko.


Isang taon din kaming nagpalitan ng mga sulat ni Wayne. Kahit sobrang tagal ng dating ng mga sulat niya ay matiyaga akong naghihintay para doon. Pero lumipas ang ilang buwan ay wala na akong natanggap pabalik.


Nakailang sulat ako sa kanya kahit hindi ko alam kung mababasa niya pa ba iyon. Bumalik na naman ang aking pangungulila sa kanya.


Iyong taon din na iyon napagdesisyunan ng mga magulang ni Stacy na mag-aral siya sa ibang bansa. Alam ni Stacy ang aking pinagdadaanan noon. Ayaw niyang pumayag kasi mawawalan daw ako ng kasama pero sinabi ko sa kanya na mas mabuti kung susunod siya sa mga magulang niya. Bilang kaisa-isang anak ay siya ang naatasan mag mana sa kanilang kompanya. Noong araw na umalis siya ay mas lalo ko lamang naramdaman ang pagiging mag-isa.

THE CASE UNSOLVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon