Naging busy ang halos lahat sa amin dahil nang nalalapit na prom. Mas pinagtuonan pa talaga nila ng pansin ang nalalapit na prom kesa sa mga co-curricular activities. Kung sila prom ang iniintindi, ako naman ang aming magiging play. After class kami lagi nagpapractice at minsan ay nagkakaroon pa tuwing Sabado kaya minsan hindi ako nakakasama sa mga lakad ni Wayne. Pero syempre binibigay ko pa rin sa kanya ang aking homemade pepper spray kahit na ni minsan ay hindi niya pa ata yon nagagamit.
Pero kung pagiging busy lang ang pag-uusapan, wala nang mas bu-busy pa kay Clark. He's one of the lead characters in our play, and he's also the one of the in-charge of our Promenade. Minsan nga hindi na siya nakaka-attend ng mga practice kasi mag iniintindi niya ang aming nalalapit na Promenade. Kaya madalas ay ako ang walang partner pag nag papractice kami.
Noong nag thursday ay half day ang lahat ng Grade 10. Para raw yun sa aming paghahanda para sa aming prom na gaganapin sa biyernes ng gabi. Magkasama kami ngayong Biyernes ng umaga ni Stacy. Actually hindi ko talaga alam kung anong susuotin ko para sa prom kaya mabuti nalang sabay kami mamimili ngayon. Nandito kami sa isang boutique kung saan naka display ang mga naggagandahang mga gown.
Madaming kinuha si Stacy na gown at sabi niya ay ififit niya daw lahat. Kuha lang siya nang kuha kung anong makita niyang maganda. Balak pa ata niya bumili ng lima pero sabi ko sa kanya isang gabi lang naman ang prom. Nagdadalawang isip siya tuloy kung ano ang bibilhin niya. Pinasadahan ko ng tingin ang buong boutique. Kahit hindi ako marunong pumili ng mga ganito ay naagaw ng atensyon ko ang isang sleeveless long gown na nude color. Kinuha ko ito pero nagulat ako nang biglang kinuha ni Stacy ang gown na iyon at itinapat sa akin.
"Bes, ang ganda nito! Sukatin mo dali!" Tinulak niya ako sa fitting room at agad na pinasukat ang gown na hawak ko.
"Saglit lang bes." patuloy pa rin niya akong tinutulak kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok ng fitting room at suoting yung gown. Pagkasuot ng gown ay tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin sa loob. Ngayon ko lang napansin na may slit pala ang gown na 'to. Tiningnan ko ang likod nito kung okay lang. Napangiti ako. Hmm, not bad.
Hinawi ko ang kurtina at nakita si Stacy na mukhang nainip na sa akin. Napansin kong naka gown din pala siya.
"Wow, Stacy bagay sa'yo ang kulay na yan!" puri ko sa kanya.
Napatingin sa akin si Stacy at mabilis akong tinitigan pagkatapos ay nagpapalakpak ito.
"Ang ganda mo, bes!" tuwang-tuwa niyang sabi. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone para makapag picture kami.
"Siguradong maglalaway na naman nito ang asawa mo." nakakalokong tiningnan ako ni Stacy.
"H-hoy! Anong asawa ang sinasabi mo dyan.." namumula kong sabi.
"Sino pa ba ang asawa mo? Shenen! Edi si fafa Wayne!" natatawa nitong sabi. "Huwag mong sabihin na si Clark na ang gusto mo ha?"
"Ano bang sinasabi mo! Ang dalawang iyon ay kaibigan ko lang."
"Si Clark, oo. Pero si Wayne? Wag ako!"
Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ulit kami sa fitting room para magpalit ng damit. Dumiretso na kami ng counter para magbayad. Ang sunod naman na binili namin ay ang pumps na pang-terno sa aming nabiling gown. Hindi ako masyadong nahirapan pumili ng pang-paa kaya naman agad akong nagbayad sa cashier. Pero si Stacy, ayun. Nahihirapan na naman siya mamili. Dahil bawal kami magtagal ay dalawa ang binili ni Stacy. Pagkatapos namin mamili ay pumunta kami sa KFC para mag lunch.