Maghapon na kami dito sa shooting range kasama ang pamilya ni Wayne. Kanina ko pang kaharap ang target at nagdadalawang isip kung ipuputok ko ba ang baril. Huminga ako ng malalim at tiningnan maigi ang target. I aimed for my shot but again, for the tenth time, I missed my target.
Nafrufrustrate na ako! Kanina pa kami dito pero hindi pa rin ako nakakatama miski isang target!
"You're doing it wrong, Rach. You suck."
Nagulat ako nang malamang nasa likod ko pala si Wayne. Iritado ko siyang hinarap.
"Well excuse me for trying! First time ko ha!"
Nakakainis. Palibahasa marunong siya. Lumapit siya sa akin at inabot ang aking kamay. Nasa likod ko siya habang ipinoposisyon niya ang kamay ko.
"H-Hey.." ang lapit ng mukha niya!
"Just stay relax. Focus lang sa target. Pakiramdaman mo ang tibok ng puso mo, in between the beats, pull the trigger."
I tried so hard focusing on the target kahit na ang lapit lapit niya sa akin. Ramdam ko ang hininga niya sa aking tainga. Huminga ako ng malalim and released the trigger and it hit the target!
"Yehey!" tuwang tuwa ko siyang hinarap.
"Not bad." ngumiti siya sa akin.
"Minsan ba naisip mo na bumaril ng tao? I mean yung mga masasama, halimbawa yung may ginawang masama." tanong ko sa kanya.
"Hmm, depende sa sitwasyon."
"What if kung may ginawang masama sa'yo yung taong yon? Would you kill him?"
"Aaminin kong mahirap pag dumating sa punto na makaharap ko ang isang taong may malaking atraso sa akin pero wala akong karapatan na patayin siya. I'm just a detective, I bring out the truth. Killing him would make me a murderer. So, no."
**
Nanginginig ang aking kamay habang nakatutok ang aking baril sa taong pinagmulan ng lahat. Alam kong marami na siyang napatay na tao at kasama na dun Tito Benj pati na din si Wayne. Patuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha.
"You killed him! You killed Wayne!"
"Masyado kasing pakialamero iyong boyfriend mo! Ayan ang napala tuloy."
I badly want to kill him too. I targeted his head but I remembered Wayne.
Will he be proud of me?
Wayne, papatayin ko iyong pumatay sa'yo at sa papa mo. Babalik ka na ba? Makakabalik ka na ba? Magiging masaya ka ba?