Chapter 22

405 15 2
                                        

Hindi agad ako nakaimik sa sinabi ni mommy. Si Tito Benj wala na? Naalala ko ang pangyayari kanina. Kaya ba hindi nakapunta si Wayne sa play ko?


"Anak, magbihis ka na. Pupunta tayo sa kanila ngayon."


Doon lamang ako natauhan nang biglang umimik si mommy. Agad naman akong umakyat sa aking kwarto at agad na naglinis ng katawan. Sinuot ko ang isang itim na dress at bumaba sa aming living room para salubungin ang mga mga magulang ko.


Pagkarating namin sa bahay nina Wayne ay nakita namin agad ang picture ng daddy ni Wayne sa labas ng bahay nila. Kakaunti palang ang tao doon. Nakita namin si Tita Vivi sa harap ng kabaong at agad namin siyang nilapitan.


"Erika.."


"Vivi."


Agad na yumakap si Tita kay mommy. Hinagod ni mommy ang likod ni Tita. Si daddy naman ay nasa likod lang ni mommy. Tahimik na lumuluha si Tita sa balikat ni mommy. 


"S-si Benjamin ko, w-wala na.. E-Erika.." umiiyak na banggit ni Tita.


"Ssshh Vivi, kailangan mong maging malakas ngayon. Nakikiramay kami." patuloy pa rin sa paghagod ng likod si mommy kay Tita. Maya-maya ay kumalas si Tita sa pagkakayakap at pinilit pakalmahin ang sarili.


"Tita, condolence po." niyakap ko din si Tita at niyakap niya din ako pabalik. Tinitigan niya ako at pilit na ngumiti.


"Rach, si Wayne.. Nasa kwarto niya. H-hindi siya bumababa magmula noong malaman niya.." naluluha na sabi ni Tita. 


Napatingin ako kay mommy. Tumango siya sa akin.


"Ako na po ang bahala, tita.."


Agad akong umakyat sa hagdan nila patungo sa kwarto ni Wayne. Nang nasa tapat na ako ng kwarto niya ay kumatok muna ako. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumasagot. Pinihit kong binuksan ang door knob at napagtantong hindi ito nak-lock. Maingat kong binuksan tila pilit na hindi ito makakagawa ng kahit anong tunog. Dahan dahan akong dumungaw at sinilip ang kwarto. Pumasok ako at hinanap si Wayne. Sinarado ko ng tahimik ang pinto. 


May nakita akong lalaking nakatalikod, nakatingin si bintana. Si Wayne.. Hindi ko maaninag ang mukha niya.


"W-Wayne.."


Kinakabahan ako. Tumalikod si Wayne sa akin at nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Tumingin siya sa wristwatch niya.


"Rachel.. your play.. Hindi ako nakanood.. I'm sorry-"


"Okay lang." agad kong imik sa kanya. Nakablack pants siya at naka v-neck gray shirt na plain na fit sa katawan niya.


"Baka nagtatampo ka.." nakita ko ang lungkot sa mukha niya.


"Hindi, Wayne." ngumiti ako ng pilit sa kanya. Now's not the time para pag usapan ang pagkatampo ko.

THE CASE UNSOLVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon