Chapter 10

532 13 0
                                    

THE CASE OF THE DISTURBING LETTERS pt. 2 

Napatingin ako kay Wayne. 



"Dead?! Paano mo nasabi yan!" umiiyak na sigaw ni Mrs. Marasigan.



Lumapit si Wayne sa katawan ni Mr. Marasigan. "Chineck ko ang pulso niya, hindi na siya humihinga. He probably died dahil may sumakal dito. You can see the marks sa leeg niya." Pagkasabi niya nun ay napatingin kami sa leeg nito at meron ngang marks. 



"Ako na ang tatawag ng pulis!" dali-daling bumaba si Ate Millet para tumawag ng pulis. Iyak nang iyak si Mrs. Marasigan pinapakalma siya ng anak niyang si Jay. Sinabihan ni Wayne sila na bumaba muna sa living room at hintayin dumating ang mga pulis. Inaya din ako ng kapatid ni Wayne bumaba kasi namumutla daw ako. Syempre kasi ngayon lang ako nakakita ng corpse! Bago ako lumabas ng kwarto ay tiningnan ko muna si Wayne at nakita ko siyang iniimbestigahan ang katawan ni Mr. Marasigan.



Nakaupo kami sa living room. Si Mrs. Marasigan ay nakaupo katabi si Jay. Si Jim Briones naman ay tahimik lang ding nakaupo. Si Ate Millet ay nasa kusina kaya mas pinili kong puntahan siya doon. Pagpasok ko ng kusina ay nakita ko siyang nag titimpla ng kape. Kumatok ako.



"Ate Millet, baka kailangan mo ng tulong." sabi ko.



"Naku, wag na po. Kaya ko naman dito." sabi niya.



"Okay lang po, medyo nashock pa din po ako sa nangyayari e kaya gusto ko po sanang maaliw." sagot ko naman.



"Sige, hija. Nagtitimpla ako ng kape para sa inyo at para na din sa mga darating na pulis. Nagkakape ka ba?"



"Naku, hindi po e. Si Wayne po nagkakape."



"Ah, sige. Pili ka nalang dito ng gusto mong inumin."



Hindi ko talaga type ang uminom ng kape. May nakitang akong isang bear brand choco milk, yun ang kinuha ko at nagtimpla para sa akin. Tinulungan ko na din si Ate Millet magtimpla ng ibang kape. 



Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga pulis. Kasabay noon ang pagbaba ni Wayne. Ang mga natirang tao sa bahay ay isa-isang tinanong ng pulis.Si Wayne ay naman nakikinig lang sa nang nagngangalang Inspector Veyra. Nagpakilala si Wayne bilang anak ni Mr. Benjamin Kent kaya naman pumayag ang inspector at si Detective Earl makinig si Wayne sa questioning.



"The crime happened at approximately 2:15 in the morning. Mr. Marasigan was in his study on the second floor writing a novel. He was strangled to death but the murder weapon hasn't been found. Okay, so now we will all hear your alibis." Tumingin ito kay Mrs. Marasigan.



"Ma'am nasaan at ano po ang ginagawa niyo nung time ng krimen?" tanong ni Detective Earl.



Si Mrs. Marasigan ay kalma na ngayon. "Natutulog ako, Detective. Nagising lang ako nung biglang may sumigaw at nagmadali akong lumabas ng kwarto." Tumigil ito at naiiyak ulit na sinabi. "Dapat hindi nalang ako natulog, dapat binantayan ko ang asawa ko."



"Ah, ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ni Detective Earl.



"May nagpapadala sa akin ng letters, Detective. Threat na mamamatay daw ang asawa ko." Naluhang kwento ni Mrs. Marasigan. "Pinapunta ko dito si Mr. Kent pero ang dumating ay ang anak niya." Pagkatapos niyang umimik ay tumingin siya kay Wayne. "I hope you'll find the culprit soon."



Ngumiti naman si Wayne. "Makakaasa kayo, Mrs. Marasigan.



Sunod na tinanong ay si Jay Marasigan.



THE CASE UNSOLVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon