Chapter 17

510 15 0
                                    

SUMMER GONE WRONG 


Lumipas ang ilang buwan at natapos na din ang school year. Noong last day ay nagplano na agad kaming magkaklase kung saan magsswimming, syempre pinangunahan iyon ni Stacy. Sa huli ay napagkasunduan namin na sa isang resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Stacy kami pupunta kung saan may magandang beach.



"Okay guys, idra-drawing ko na, kayo nalang magkukulay ha."



"Ano ka ba naman, Paul! Huwag kang nega, matutuloy yan." 



Naggawa pa ng group chat si Stacy para sa aming section. Maraming excited, marami namang mga hinayupak na nagsasabing kulayan nalang daw. Hay naku!



**

Kasalukuyan akong naglalagay ng sunblock lotion sa aking binti. Oh diba, natuloy din kami! Yung iba kong mga kaklase ay ayun, nasa beach na at naliligo. Kaming dalawa lang ni Wayne ang naiwan sa mga beach chairs.



Naka board shorts siya at naka sando na pinatungan ng nakabukas na polo. Naka sunglasses siya at nakahiga sa beach chair na katabi nung akin. Nakalagay ang mga kamay niya sa kanyang ulo. Hindi ko alam kung tulog ba 'to o ano.



"Wayne, nasa beach na sina Paul oh. Bakit hindi ka pumunta doon?"



Hindi siya umimik.



"Hoy, Wayne!"



Wala pa ring imik.



Binato ko siya ng sunblock at tumama naman iyon sa kanyang balikat. Nakita ko ang pagkagulat niya at tinaggal ang mga salamin sa kanyang mga mata at tiningnan ako.



"Ano ba, Rachel! Kita mong natutulog--" 



Agad siyang umiwas ng tingin sa akin. Huh? Naka bikini akong black na pinatungan ng color white na see through. Naka shorts naman ako. My hair was in a messy bun.



"Natutulog ka? Seryoso? Dumayo ka lang ba dito para matulog?!" hindi ko maiwasan ang mairita. Hindi mo talaga maaasahan si Wayne sa mga ganitong okasyon.



"P-pagod kasi ako sa byahe." sabi niya.



Tumayo ako at hinigit ang kamay niya, pilit ko siyang hinigit patayo.



"Tara na magswimming, Wayne! Nag-aksaya ka lang ng pamasahe kung tutulog ka lang dito."

THE CASE UNSOLVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon