Natapos na ang laro, pero wala pa ding Wayne ang nagpakita. Panalo ang team ng school namin. Medyo nag alinlangan nga nung 3rd quarter kasi magaling ang kalaban. Ang daming naghahanap kay Wayne, halos mga babae, kaya daw matatalo kasi wala ito. Sayang lang daw banner nila. Pero sa huli, hindi nagpatalo ang school namin. Hindi rin naman ako nakapanood ng ayos. Iniisip ko kasi si Wayne. Ito ang unang pagkakataon na hindi siya lumaro. It's so not him. Maliban sa mga mystery books, gustong gusto din niya ang basketball. Nagsimula yun nung mga bata kami, maliban kasi sa anime na parehas naming paborito, yung about sa highschool detective na naging bata, paborito niya rin ang Slamdunk. I admit kahit ako, na hook din ako dun. May aral din kasing kapupulutan at nakakatawa ito, lalo na ang karakter ni Hanamichi Sakuragi.
Habang nagkakagulo at nagkakasayahan ang school namin dahil sa pagkapanalo, nagpaalam na ako kay Stacy na uuwi na, mag-gagabi na din kasi. Pumayag naman at siya din naman daw ay uuwi na maya-maya, hinihintay niya lang ang sundo niya. Inalok niya pa 'kong ihahatid sa bahay pero tumanggi ako. Malapit na din naman ang bahay namin. Lumabas na ako ng gym at nagtungo sa Ryota Village. Mag-isa akong naglalakad patungo sa bahay namin. Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko si mommy na naghahanda na ng hapunan. Naka uniform pa ito at halatang kauuwi lang. Oh well, she's a lawyer kaya malamang ay busy si mommy mag handle ng mga kaso pero despite all of that, naaasikaso niya pa rin kami ni Daddy. Nakasabay ko namang umuwi si daddy. Pagkakain namin ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nag linis ng katawan. Tiningnan ko ang ang aking cellphone, nagbabakasakali na may text ni Wayne, pero wala. Naiinis na ako and at the same time nag-aalala. This is so not him! He wouldn't miss his game for anything, maliban nalang kung.. No. Imposible. Natawa nalang ako sa aking imahinasyon.
It's already past 10:00, and I'm still up reading a book. I bought this new book entitled All the Bright Places, and somehow na-hohook ako dito. Reading books is one of my favorite hobbies. Specifically mystery books, but I like young adult books also. Mayroon ang mommy kong complete series ng Nancy Drew books. Natapos ko na ang lahat ng books and it's one of my favorites ever since I was a child. Pero nandito lahat sa kwarto ko ang lahat ng books. Mayroon akong dalawang book shelves dito sa kwarto. I really love the smell of old books. Everytime na magmamall kami ay hindi pwede na wala akong mabibili na libro sa National Bookstore.
Napansin kong medyo magulo ang mga libro sa pangalawang book shelf kaya tumayo ako at ayusin ito. Habang inaayos ko ang mga libro ay napansin ko ang Sherlock Holmes na libro. Naalala ko na naman si Wayne. Actually, hindi sa akin ang libro na 'to kundi kay Wayne. Hiniram ko 'to last week pa. I finished it only for one night and nakakalimutan kong ibalik sa kanya. Bumalik na ako sa aking kama at nagpatuloy sa pagbabasa. Nagulat ako nang biglang may nag-bato ng maliit na bato sa aking bintana galing sa labas. Natigilan ako sa pagbabasa. What the hell? Akmang tatayo na ako nang biglang may bumato ulit. Inis akong bumangon sa aking kama at handa na 'kong sigawa ang lintek na nambabatao pero pagkabukas ko ng bintana ay nagulat akong makita si Wayne sa baba. Naka-pants siya at jacket. Ang kanyang daliri ay nasa bibig niya na ang ibig sabihin ay huwag ako maingay. Hindi agad ako nakaimik. Kinuha niya ang phone niya at tinuro ito. Bigla siyang nagpipindot sa kanyang cellphone at narinig ko naman ang phone ko na nagriring. Dali-dali 'kong kinuha iyon at nakitang si Wayne ang tumatawag. Bumalik ako sa bintana nang sinagot ko ang tawag niya.
"Rachel."
"What the hell, Wayne?! Bakit ka nambabato sa bintana ko?! Hindi mo ba naisip na baka may makakita sa'yo at akala ay nanggugulo ka?!"