Ito na siguro ang pinaka malungkot na nangyari sa buhay ko. Ang sakit pala talagang maiwan. Naisip ko na atleast nagpaalam siya sa akin at katanggap-tanggap naman ang rason niya. Pero bakit ganon? Pilit kong pinapaintindi sa sarili ko na para rin yun kay Tita at kay Wayne pero naluluha pa rin ako sa tuwing naaalala ang huling gabi naming pagsasama.
Masyado nga talaga akong nasanay kasama palagi si Wayne, kaya mahirap para sa akin ang mapalayo sa kanya. Nahihirapan rin kaya siya?
Si Stacy ang nag-comfort sa akin nang ikwento ko sa kanya ang pag-alis ni Wayne. Sa kanya ako umiyak nang umiyak dahil sa lungkot, at sakit. Masakit kasi hindi ko man lang nasabi sa kanya ang nararamdaman ako. Naduwag ako. Sasabihin ko na sa kanya pero dahil aalis siya, mas pinili kong kimkimin iyon at hintayin ang pagbalik niya.
Mataman lang na nakikinig sa akin si Stacy. Medyo nagugulat pa ako kasi seryoso lang ang mukha niya. Hindi katulad dati na sa tuwing nagkekwento ako tungkol kay Wayne ay palagi siyang may side comments.
Kinuwento ko sa kanya ang buong detalye. Nasa bahay niya kami ngayon, kumakain ng ice-cream. Lagi niyang sinasabi na sa tuwing malungkot siya, kumakain lang siya ng ice-cream at kahit papaano daw ay gumagaan ang loob niya. Para sa akin naman ay kahit anong emosyon ko ay pwedeng kumain ng ice-cream basta masarap ang flavor.
"Sinasabi ko sa'yo bes, pag balik ng asawa mo ay huwag mo nang hahayaan na umalis siya ulit. Umamin ka na agad sa kanya." seryosong wika ni Stacy.
Nakatulala lang ako habang kumakain ng ice-cream. Naisip ko na iyon. Wala akong magagawa kundi ang mag hintay sa kanya.
Lumipas ang ilang buwan at nakatapos na kami ng grade 10. At ngayon ay tumuntong na kami sa unang taon ng Senior High.
General Academic Strand ang kinuha ko samantalang ang kinuha naman ni Stacy ay ABM. Nagpatayo ng bagong buiding sa aming sa eskwelahan para sa aming mga Senior High.
Kung nandito pa rin kaya si Wayne, ano kaya ang kukuhanin niyang strand?
Sabay kaming pumasok ni Stacy noong unang araw ng pasukan. Nakakapanibago kasi madami kaming nakitang mga bagong estudyante. May iilan din naman kaming nakita na kaklase namin dati.
Habang tumatagal ay mas lalo lamang akong nalilito sa pagiging Senior High. May mga ilang teachers na sinasabi na we have to act like a college student since dapat first year college na kami at ang iba naman sinasabi parang highschool pa din naman daw kami. So, ano ba talaga ang totoo? Masasabi ko na mas madali talaga ang pagiging highschool, ang dami-daming paperworks pag Senior High.
Bihira nalang kaming magkita ni Stacy dahil na rin sa dami ng gawain. Lalo na't magkaiba pa kami ng strand na kinuha.
And, Clark? Madalas ko siyang nakakasabay tuwing lunch at recess. Hindi kami pareho ng strand. STEM ang kinuha niya. Palagi kong nakikita ang ibang STEM students na sobrang stressed pero parang si Clark lang ata ang hindi. Whenever na nakakasalubong ko siya ay binabati niya ako at binabati ko rin siya.
Isang araw ay naglalakad ako palabas ng campus para makauwi.
"Rachel!"
Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Clark na tumatakbo papunta sa akin.
"Uuwi ka na?" tanong niya.
Tumango ako sa kanya.
Nagkamot siya ng ulo. "Uhh, Rach.." nakita kong medyo nahihiya siya.
"Bakit?" tanong ko.
"May nakita kasi akong bagong bukas na coffee shop sa bayan. May gagawin ka ba ngayon? Gusto sana kitang ayain." ngayon ay namumula na ang mukha niya.