"Gusto mong ikaw ang patayin ko?!"
Nanginginig ako dahil sa sinabi niya. Sure pinili kong makiride sa babaeng 'to pero ang sabihin na patay si Wayne ay naging hudyat lamang na may sapak nga ata ang babaeng 'to.
Hindi niya ako pinansin at kumuha ulit ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon. Malapit nang maubos ang pasensya ko, totoo!
Iimik na ulit ako nang bigla niyang itaas ang kanyang kamay na senyales na iimik siya. Nagpabuga siya ng usok bago umimik sa akin.
"Gusto mong malaman kung nasaan si Wayne?"
Hindi ako makaimik. Gusto ko siyang sigawan na matagal ko nang gustong malaman kung nasaan si Wayne pero ni hindi ko alam kung mapapagkatiwalaan ko ba siya.
"I can see in your face that you badly want to know where he is. In one condition, you must help me."
"S-Saan?"
"Help me to take down the Drug Syndicate."
Drug Syndicate.
Pagkabanggit niya noon bigla ko na lamang naalala ang nakaraan. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Parang kahapon lang magkasama pa kami ni Wayne. Parang kahapon lang masayang-masaya ako tuwing nakaka solve ng mga kaso si Wayne. Parang kahapon lang lahat.
Kahit ilang taon na ang nakalipas, naalala ko pa rin ang lahat. Yes, I badly want to see Wayne. Pero paano kung ayaw niya akong makita? Paano kung may asawa na pala siya o kaya may gustong iba? Isa pa, hindi ko pa nasasabi sa kanya ang gusto kong sabihin pitong taon na ang nakalipas.
"How can I trust you? Paano kung kasali ka pala sa akyat-bahay gang at ito ang ginawa niyong taguan?!"
Bigla na naman siya tumawa ng malakas. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Ang bbaw naman ng kaligayahan nito.
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. "Sorry, sorry. Natawa talaga ako e. Mukha ba akong akyat-bahay?" natatawang tanong niya.
"I'm an FBI agent."
Ito ang pagkakataon na taasan ko siya ng kilay. May kinuha siya sa bulsa niya at iniharap sa akin. It was a badge.
"Oh, okay na?" pagkapakita niya sa akin noon ay inilagay niya na ulit sa bulsa niya. But I'm not yet satisfied.
"Anong koneksyon mo kay Wayne?"
"Pumapayag ka ba munang tutulungan mo ako sa pagpapabagsak ng Drug Syndicate? iritado niyang tanong at hindi pinansin ang sinabi ko.
"You have many FBI buddies so bakit kailangan pa kitang tulungan?" Hindi ko talaga siya maintindihan. Isang hamak na aktres lamang ako. Bakit ba ako niyayaya nitong tulungan siya?