"Wayne?"
"Hmm?"
"Tanda mo pa yung first ever mystery natin? Yung bahay na mukhang haunted house?"
"Oh? Bakit?"
"Puntahan kaya natin ngayon?"
"Ha? Madaling araw na, Rachel! Magtigil ka dyan. Huwag ka nga pati malikot, ang bigat mo."
Ngumuso ako. Katatapos lang ng aming prom at mag aalas dos na ng madaling araw pero ayoko pang umuwi. Naka-piggy backride ako kay Wayne. Habang naglalakad kasi ay hindi ko na nakayanan ang sakit ng paa ko dahil sa suot kong heels, hinubad ko ang sapatos ko at naglakad ng nakayapak. Hindi pumayag si Wayne kaya naman nag volunteer siya na sumakay nalang daw ako sa likod niya kaya ito ngayon ang kalagayan namin. Nakakapit ako sa likod niya habang hawak niya din ang aking heels.
"Bakit ba kasi nag heels ka kung hindi mo naman kaya?"
"Syempre! Ang tangkad mo kasi.. Tsaka, ganon naman talaga!"
Kasi naman hanggang dibdib niya lang ako. Pero pag naka heels ako hanggang tainga niya ako. Hindi na umimik si Wayne. Tumingin nalang ako sa langit.
"Hala, Wayne! May shooting star oh!" naeexcite kong sabi pagkatapos ay tinuro ko ang langit. "Mag wish tayo dali!"
"Rachel, ano ba! Ang likot mo." naiirita niyang sabi. Medyo hinihingal na din siya. Medyo mabigat din kasi yung gown ko.
"Alam mo ba na ang shooting stars ay mga dead stars? They are fragments from another star that died. It's like, you're a million years late."
"Sinisira mo pangarap ko."
"I'm just stating the fact."
"Whatever deduction prince!"
Hindi na siya umimik. Ha! Naiimagine ko ang pagkairita sa mukha niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya para makita ang reaksyon niya.
"R-Rachel! A-ano ba?"
Agad na umiwas ng mukha si Wayne sa akin at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.
"Rachel, please huwag ka na malikot. Malapit na tayo sa inyo oh."
"Anong wish mo, Wayne?"
"Huh?"
"Halimbawa hindi mo alam yung tungkol sa facts ng shooting stars, mag wiwish ka diba? Anong wish mo?"
"Why would I wish for something kung pwede ko namang gawin nalang yung pangarap ko at hindi idaan sa hiling?"
