June 22, 2015
Dear Sir Arellano,
Hi, Sir! Alam mo bang pinagtulungan ako ng mga kaibigan ko kanina? Eh, kasi naman nagbabaka-sakali lang ako kung may alam ba sila tungkol sa pangalan mo. ‘Yan tuloy, parang nagkaroon ng press conference sa loob ng classroom.
Panay ang tanong nila sa akin kung sino ka raw ba. Hindi ka kasi nila nakita kahapon kaya gano’n. Mas mabuti na nga ‘yon, eh. Hindi nila ako nakita na halos mangisay na sa kilig.
Oo na, alam kong OA ako. Nakalagay na nga yata ‘yon sa noo ko. Pero, okay lang. Wala rin naman akong pake. Hehehe.
Kaninang flag ceremony nga ay nagkanda-haba-haba pa ang leeg ko para hanapin ka ngunit palpak. Wala. Sablay. Gano’n. Asa pa ako na makikita kita kanina. Buti sana kung tayo lang ang estudyante rito sa unibersidad, mukhang may chance pa. Ang kaso, wala. Kaya, iyak na ako.
Pinapanalangin ko talaga na makita kita tuwing araw ng klase. Para naman inspirado ako sa buong araw. Medyo nakakainip din naman kasi kung maghihintay pa ako ng linggo para makita kita. Pero, okay lang ulit. Maghihintay ako.
Nagbabaka-sakali,
Mary
BINABASA MO ANG
Love, Mary
Teen FictionMga tambak na sulat ni Mary Magallanes para sa taong lubos niyang hinahangaan.