Letter #59

68 8 0
                                    

June 5, 2017

Dear Sir Arellano,

Naiiyak na talaga ako, Sir. Wala kaming bakasyon. Walang summer vacation. Pero, summer class meron. Nagmumukha tuloy akong masipag na mag-aaral.

Buti ka pa, graduation mo na bukas. Paano ko nalaman? Syempre kay Kuya Allen. Ni-text niya ako kanina at inimbitahan niya pa ako. Pupunta ako bukas para manood. Pasalamat ‘yong pinsang kong iyon dahil mahal ko siya. Ngunit, sa katunayan, iba talaga ang rason kung bakit ako pupunta ng graduation niyo bukas. Gusto kitang makita, Sir. Gusto kitang makita sa huling pagkakataon. 

Alam mo naman siguro kung bakit, ‘no? Magthi-third year pa lang ako ngayong school year na ‘to. Samantala ikaw, graduate na. Hindi na kita makikita rito sa school. Kaya, bukas pupunta talaga ako. Kahit hindi man tayo magkausap. Kahit hindi mo ako makita bukas ay okay lang. Basta, papanoorin kitang umaakyat sa stage habang tinatanggap mo ang iyong diploma. 

Ewan ko ba, parang na-e-excite ako para bukas. Saka, medyo kabado rin na may halong lungkot. Mixed emotions kumbaga, Sir. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Proud na proud ako sa’yo Sir kahit wala namang tayo. Crush kasi kita, eh. Ano pa nga ba ang magagawa ko?

Hay naku! Kitakits na lang tayo bukas, Sir. Congratulations ulit sa’yo. Magtatapos ka na.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon